"What is love?"
Parang biglang nabuhayan ang mga kaklase ko nung tinanong yun ni Ma'am. Huwaw naman, malalandi talaga tong mga to e no? Charot. Kahit ako din naman nabuhayan e. Ang boring kasi ng subject ni Ma'am. Siguro naisipang itanong ni Ma'am yon dahil nakakaramdam na siya. Wahahaha! I'm so mean, why is that?
"Ma'am!"
Sigaw nung kaklase kong lalaki habang nakataas ang kamay. Aba. Kung may ganto sigurong subject, ang daming estudyante ang magrerecite at papasa.
"Yes, Mr. Alejandro?"
"Love is.."
Sabay tumingin siya sa akin kaya napatingin din mga kaklase ko sa akin. Isama mo na pati si Ma'am.
"Love is Yvanna Angela Reyes."
He said then winked at me. Yak! Feeling niya gwapo na siya niyan.
Napairap ako. Ang corny mo tsong. Pero, ang ganda ko lang talaga!
"Ayiee."
Sabay sabay na kantyaw ng mga kaklase ko. Kinilig naman kayo? Psh.
"Pota Michael, matuto ka munang magtoothbrush!"
Sigaw nung isa ko pang kaklase.
Nagtawanan naman sa loob ng classroom. See? nabuhayan sila. Kanina halos humilata na sila sa mga desk nila sa sobrang antok pero kita mo naman ngayon.
Dapat na talagang idagdag ng DepED ang love as a subject.
"Oh, tama na yan. By the way, that's corny Mr. Alejandro."
Natatawang sabi ni Ma'am.
Psh. Mga aywan!
Natigilan sila sa pagtawa nang may kumatok. Sabay sabay silang lumingon sa may pinto at...
"Kyaaaaah!"
Napatakip na lang ako sa tenga ko. Tskte, ang ingay! Buset.
"Ingay!"
Pagpaparinig ko pero parang mga walang narinig.
Bulungan here, bulungan there. Kairita ha.
Tumingin ako sa pinto ng marealize na si Jeric pala yon. Anong ginagawa nitong lalaking to dito? Ako ba pinunta niya dito? Naks, kiligin na ba dapat ako? Ngew, how assuming am I.
Ang assuming ko, potek!
"Shh. Girls."
Saway ni Ma'am pero pati siya nakikitili. Malande!
"Excuse me Ma'am. May I excuse Ms. Reyes?"
Nanahimik silang lahat saka napatingin sa direksiyon ko.
Napakunot ako ng noo."Why?"
Nanlaki mata ko ng marealize na ako nga ang pakay niya. Hindi pala ako assuming, sadyang maganda lang talaga ako dahil totoo ang nasa isip ko.
"Yes, you may."
Malanding guro! Hindi man lang nagpahard to get. Bumigay agad. Bat ba ang dali akong ipamigay ng mga tao? Ganon na ba nila ako kinamumihian?
"Ms. Reyes, you may go."
Tumayo nako saka naglakad na parang naglalakad sa ilalim ng moon.
Bago ako lumabas, hinawakan muna ni Ma'am ang braso ko at bumulong.
"Hingian mo ako ng picture niya, ha? Ms. Reyes? Dadagdagan ko grades mo, promise."
Kinikilig niyang sabi. Sabi na e, malanding guro to. Ilang taon na ba to at parang ang lakas ng loob lumandi?
Tumango na lang ako. Aba, magandang offer ata iyon para sakin. Lalo na't feeling ko ay babagsak ako sa subject niya. Pero feeling ko lang ah. Alam niyo naman ako, dakilang feelingera.
"Let's go."
"Anong let's go? May klase pa ako kaya."
Di niya pinansin sinabi ko. Hinawakan niya lang ako sa wrist at hinila papuntang parking lot. Potakteng lalaki talaga to. Wala ng magandang ginawa sa buhay ko! Leche!
"Hop in."
Inirapan ko siya saka pinamaywangan.
"Hoy Mr. Jeric Santiago Ford, may klase pa po ako. Sayang binabayad ng magulang ko kung---aaah!"
Napatili na lang ako ng kornerin niya ako. Panong korner, ganto. Sinandal niya ako sa may kotse niya at naka harang ang magkabilang braso niya sa pagitan ng baywang ko. Lintek! Natatouch niya ang curve ng waist ko.
Teka nga. Bakit ang init?
"Wala na kasing maraming tanong."
"E-e k-kasi.. May.. May klase p-pa ako Jeric. Alam mo yon? Hehe."
Mala dalagang pilipina kong pahayag. Can you imagine that? In just a minute naging mahinhin ako? Hanep!
Take note, nauutal pako niyan.
Napangisi niya.
"Bat nauutal ka? Pinagpapawisan ka pa o." Pinunasan niya pawis ko sa noo. "Tsk. Namumula ka din."
Nakangisi at seductive niyang sabi. Gosh, anong ginagawa niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Help me, please! Nanunuyo na lalamunan ko.
At ngayon ko lang narealize na pinagpapawisan ako at umiinit pisngi ko. Gusto kong lumubog sa kinatatyuan ko.
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Novela JuvenilMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...