"Bad trip?"
Inirapan ko lang siya. Pake ba niya? "Pake mo ba?"
Kumunot lang noo niya saka umupo sa upuan katapat ko. Napairap ako. Ang alam ko mamaya pa dismissal nila, bat nandito na siya?
"Hey. Anong meron sa tingin mo, Angela? Bad trip ka ba o sadyang may mga lalaki ka lang ngayon?"
Mga lalaki? Ano ako, malandi? Hindi ako katulad mo, gago. Inirapan ko siya. "Get lost, Jeric." Nagulat siya sa sinabi ko kaya napakunot lalo ang noo niya. Nababadtrip na naiinis ako sa kaniya dahil sa ewan ko! Bat nga ba ako nababad trip? Basta, simula nung Sabado at nakita ko siya at ni whoever the girl is nabad trip na ako.
"What's your problem, Yvanna? Tell me."
Diko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagsubo ko ng spaghetti. Bahala siya jan sa buhay niya. Bahala siyang mag-isip kung bakit ako nagagalit sa kaniya. Nagulat ako ng kunin niya sa akin ang tinidor na hawak ko na may nakapaikot na spaghetti na dapat ay isusubo ko na. Pero mas lalo akong nagulat ng kunin niya yung styro kung saan nakalagay yung spag at tinapon niya iyon sa pinakamalapit na basurahan. Damn! Ano bang problema niya?!
"What the hell is wrong with you?!" Pasigaw kong tanong and I don't care kung pagtinginan kami ng mga tao dito sa cafeteria basta ang alam ko lang ay ang bastos niya! He just looked at me then shrugged. Lalo akong nainis sa inasal niya. Damn this man! Hindi ba niya alam na naiinis ako ngayon? I sighed, trying to calm myself but shit! Napupuno na talaga. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko para umalis na sa loob ng cafeteria na ito at baka kung ano pa ang magawa ko sa taong nasa harapan ko.
"Where are you going?"
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy palabas ng cafeteria. Wala na akong pake sa mga taong tumitingin sa akin. Bad trip ako, tapos!
"Hey, Angela."
Don't mind him, Yvanna. Don't.
"Angela."
Mahina pero matigas at puno ng awtaridad na banggit niya sa pangalan ko. Galit siya? Wala akong pake! Ako ang dapat magalit sa aming dalawa because of what he did earlier.
Napahinto ako ng hilain niya ako sa braso saka sinandal sa may pader. I gritted my teeth. Napupuno na talaga ako. Sooner or later baka magdilim ang paningin ko at makapatay ako. Bumuntong hininga siya saka ako tiningnan sa mata. Or should I say na tinitigan ako. Laban ng titigan? Go. Carry ko.
"What now?" Naiinis na tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin. I'm totaly pissed. Napayuko siya.
"What's your problem?"
Seryoso niyang tanong habang nakayuko. Natawa ako. Isang sarkastikong tawa. Nagpapatawa ba siya o ano?
"Just answer my damn question, Angela!"
Medyo tumaas na ang boses niya. At nakakainis lang dahil ang daming tumitingin sa aming mga dumadaan. Yung iba, dadaan tas may hawak na papel na may nakasulat na: 'LQ?' Gusto kong matawa na ewan. Napailing na lang ako sa mga inaasta nila saka tiningnan si Jeric ng masama.
"Wala, Jeric. Wala."
"Wala?" Then he laughed. Bat feeling ko ako ang may kasalanan sa aning dalawa?
"Damn!"
Napatili ako ng suntukin niya yung pader na nasa left side ko. Takte, Jeric. Bat ikaw ang galit? Dapat ako!
"Ang hirap mong intindihin." Napakunot noo ako. Ako, mahirap intindihin? Oh, come on! Edi wag niya akong intindihin. Simply. Idiot.
"Then don't."
Umiling lang siya saka umalis. Nakatingin lang ako sa likod niyang papalayo sa akin. I sighed. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang gusto kong mahiga na ewan.
"Manhid." Napatingin ako sa nagsalita. Eto yung babaeng tumawag kay Jeric noong nakaraan dahil daw sa pinsan ni Jeric.
"Ano?"
"Manhid ka kako."
"Anong pinagsasabi mo?"
Nagkibit balikat lang siya saka umalis na. Seriously? Ang creepy niya.
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Teen FictionMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...