I'm just looking at his message for how many seconds. Para bang hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng message niya na 'to.
I shook my head. Nantitrip na naman tong boyfriend ko na 'to. Tumatawa 'kong hinit ang reply.
To:MyGreatBoyfriend<3
'Here we go again. Joking again, eh? HAHAHA! Btw, I love you, too, and I miss you :*'
Sent✔
Tinago ko na sa bag ang phone ko at naglakad papuntang abandoned building-- my secret place. Wala naman akong klase ngayon dahil busy ang lahat for the incoming sports fest, so free ang mga estudyante ngayon na tumambay. Sana nga, di na ako pumasok e. Kung hindi lang talaga dahil sa contest na yon, malamang nakahilata pa rin ako ngayon. May practice kasi kami mamaya ng rampa chuchu.
I sat down sa usually spot na pinagpapahingahan ko. Napaka-peaceful talaga ng lugar nato. Even though medyo creepy ang atmosphere ng place dahil nga sa abandonado na to, masarap pa ring mag pahinga dito. I don't care about ghosts, di naman totoo yon, no. Psh. Mga OA na tao lang naniniwala sa ganon. Let's say na, kaluluwa sila. But they are just spirits na walang magagawa sayo unless kung totoo yung mga sinasabi nilang sanib, sanib ng kaluluwa.
I yawned. "Sleep. That's all what I need."
"That's all what I need, too."
Halos mapahiga na ako sa kinauupuan ko ng may narinig akong nagsalita. Shit, kasasabi ko lang di totoo ang multo e!
I heard someone's chuckle. And I guess, he's a gink.
"Scared, huh?"
Halos mapahiga ulit ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko yung lalaki. Jusme, papatayin pa ata ako nito!
"Hi, Van."
I rolled my eyes. Van? Tsk. Close kami? Close kami? Kapal lang talaga ng mukha.
"So," umupo siya sa tabi ko at sumandal, "how are you? You and your mom?"
"Fine." Walang gana kong sagot. Napailing siya saka ginulo buhok ko. I hit his arm.
"Aish! Paepal ka naman."
Sinuklay ko buhok ko gamit ang kamay ko. Nakakainis. Basta talaga gawin sakin yon, naiinis ako. I dunno why.
"Let me," lumapit siya sakin saka sinuklayan buhok ko. Hindi agad ako nakapag-react sa ginawa niya. Ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay: San galing yung suklay?
"There you go, maganda ka na ulit."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. So meaning, sa loob ng ilang minutong magulo ang buhok ko, pangit ako. Ganon? Leche to!
I glared at him so he chuckled.
Tinaas niya dalawa niyang kamay, "woah, woah, woah. Chill. Iba ang nasa isip mo."
"Anong iba? How did you know na iba? Nakita mo, nakita mo?"
He smiled. "You're so slow, Yvanna. But I find it cute."
"Tse! Manahimik ka!"
"Alright."
Silence..
Nilingon ko yung katabi ko. Nakapikit na siya. Aba, tutulugan lang ako ng hinayupak na Ramiro na to. Well, I don't mind. Wala naman siyang kwentang kausap. Buti pa si Jeric. Oh, speaking of Jeric, baka nagreply na yun!
Dali-dali kong kinuha phone ko sa bag. Pero na-disappoint ako ng wala akong nabasang message from him.
I shrugged. "Busy siguro."
Inayos ko pagkakaupo ko saka pinikit mata ko.
I was in the middle of my dream when someone poked me.
"Hey."
Tinabig ko kamay niya, "pwede ba. 5 minutes more."
May narinig akong nagkekwentuhan pero hindi ko sila pinansin. I want to sleep. Period.
"Angela."
Angela daw? Agad akong napamulat dahil sa tumawag sa akin.
"Expecting on someone?"
And again, I am disappointed.
I rolled my eyes and back to sleep. Pero tae lang, di nakikisama antok ko. Nag-babye ba naman. Psh.
"You ruined my sleep!"
"What?"
"Leche ka talaga sa buhay ko! Alam mo, sobrang malas ko dahil nakilala kita. Sinuwerte nga ako kay Jeric, minalas naman ako sayo. Nakakabwisit ka. Lagi ka na lang panggulo sa buhay ko! Wala ka bang sariling buhay na pwede mong pakealaman, ha? At buhay ko pa pinapakialaman mo? Napaka-pakealamero mo, alam mo yon? Sino ka ba sa inaakala mo? Akala mo ba, tanggap ko kayo ng tatay mo? Akala mo ba, porket nakakasama namin kayo sa mga dinner, close na tayo at may karapatan ka ng mangialam sakin? Hah! Patawa ka. Ang kapal na nga ng mukha mo, bwisit ka pa!"
Hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa akin pero unti-unti din niyang binaba ulo niya. I even saw him swept his.. tears? Umiiyak siya? But why? Biglang nag-sink in sakin lahat ng sinabi ko. Oh my gosh, I reached the below the belt! What a stupid one, Yvanna. You're so stupid. You hurt him, idiot. Napasabunot ako sa sarili ko.
"Sorry."
What? Why did he apologizing? Diba dapat ako?
"I care for you, that's why I'm sorry."
He care? Bakit?
Napatingala ako ng tumayo siya.
"I'm really, really sorry, Yvanna. Thank you for your words, ngayon alam ko na, na di pala talaga ako pwedeng pumasok sa buhay mo. Sorry, pinagpipilitan ko pang ipasok sarili ko sa buhay mo, kahit alam ko namang hindi talaga pwede. Don't worry, di ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko na makapasok sa buhay mo."
-
AN: Few chapters left, bid your goodbye's na, guys! HAHAHA!
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Novela JuvenilMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...