"What's with the hug, Angela?" Natatawa niyang tanong. Nandito kami ngayon sa may seaside ng mall. Manunuod daw siya ng sunset. Gusto ko rin namang manuod kaya pumayag na ako. Bihira lang ako makapanood nito. Actually second time ko pa lang.
"Shut up, Jeric. Please." Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Simula nung bumitaw ako kanina sa kaniya, hindi na ako makatingin sa kaniya. Titingin man ako, saglitan lang. Parang isang snap lang then boom, hiya is on the way ulit. Aaminin ko, nahihiya ako. Nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Naman e! Ano ba kasing pumasok sa little bitty mind ko at ginawa ko yon. Tae lang talaga, kahiya bro!
"Bat di ka tumitingin sa akin?" Pilit niyang inihaharap mukha ko sa mukha niya. Tsk. Ang kulit talaa ng lahi nitong lalaking to.
"Ano ba Jeric. Isa!" Pinalo ko kamay niya kaya tumigil na siya. Good.
"Bat kasi di ka tumitingin sa akin? Nahihiya ka ba?"
"Ang kapal mo naman. Bat naman ako mahihiya sa'yo?"
"Hindi ka kasi tumitingin sa akin."
"Trip ko, bakit ba?"
"Tumingin ka sa akin."
"Ayoko nga. Ang pangit mo, tas titingin ako sa yo?"
"Tumingin ka sa akin."
"No."
"Isa."
"Ayoko."
"Dalawa."
"A."
"Tatlo."
"Y."
"Apat. Hanggang ten lang to, Angela."
"A."
"Lima."
"W."
"Anim."
"Space."
"Pito."
"K."
"Walo."
"O."
"Siyam."
"Period."
"Sampu."
"No era--ahhh!" Napasigaw ako ng ipulupot niya yung kanang kamay niya sa bewang ko. Manyak. Psh.
"Manyak!" Sigaw ko sa kaniya habang pinapalo balikat niya.
"Manyak nito! Buset!"
Tumawa siya saka tinanggal kamay niya sa bewang ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Leche to, minanyakan na nga ako lahat lahat nakakatawa pa rin? Ibang klase.
"Ang arte, ha."
"Ewan ko sayo! Manyak ka kamo. Dapat talaga, hindi ako nagtitiwala sa iyo e!"
"Grabe ka naman." Umarte siya ng parang nasasaktan. Hawak niya dibdib niya tas nakapikit. Psh, ang arte. Hahaha! "Wag kang mag-alala, mahal kita kaya may respeto ako sa iyo. Hinding hindi ko gagawin sayo yon, unless kung gusto mo?" Taas babang kilay na sabi niya.
Alam niyo yung kikiligin ka na sana kaso biglang pumalpak sa dulo? Panira! Pero ano daw? Mahal niya ako? Hindi ko pinahalatang napansin ko yung sinabi niyang mahal niya ako.Nagkunwari akong walang narinig at nagpanggap na naiinis kahit na parang kinikilig na ako. "Leche ka!" Pinalo ko siya sa balikat.
"Aww." Hinawakan niya yung balikat niyang pinalo ko, tinaas niya yung manggas ng polo niya saka tumingin sa akin ng nakapoit. Ang arte talaga. Hahaha! Pero grabe, ang lakas ko pala talaga pumalo. Hamakin niyo yun, namula balikat niya. Hahaha!
"Brutal ka talaga." Nakapout na sabi niya. Brutal. Namiss ko yang salitang yan. Namiss kong sabihan niya ako ng saliyang yan. Tumingin ako sa tahi niya dati saka binalik tingin ko papalubog na araw. Ang ganda talaga. Napaka-breath taking ng sunset kung papanuorin.
"Deserve mo yan. Yan ang award mo sa akin. Nagustuhan mo ba?"
Nakita ko sa sulok ng mata ko na lalo lang siyang nag-pout kaya natawa na ako ng tuluyan. Alam kong namaan niya ako ng tingin saka bumuntong hininga. Napahinto ako sa pagtawa ng akbayan niya ako.
"Okay lang kahit brutal ka, atleast unique pagiging sweet mo, di ba?" Napangiti ako. Gaaahd, ano bang ginawa sa akin ng lalaking to? Lagi niya akong napapangiti at napapasaya. Napapatibok din niya ng mabilis puso ko.
Ito na ba yung tinatawag nilang inlove?
-
"What time is it, young lady?"
Bungad ni mommy sa akin paglabas ko ng pinto ng kotse ni Jeric. Naramdaman ko ding bumukas pinto ng kabilang kotse pero hindi ko na pinansin. Alam kong lumabas si Jeric, nakita ko kasi pagtaas ng kilay ni mommy. Feeling ko day by day, nag-iiba ng ugali si mommy. I mean, nawawala nanyung sweet and soft side niya. She's always in her strict side since bumalik siya sa trabaho, business ng pamilya namin.
"Good evening po, tita." Bati ni Jeric pagkadating niya sa tabi ko.
"Same. Kumain ka na ba?"
"Uhm, actually hindi pa po. Hinatid ko lang po si Angela, kasama ko po siya sa mall kanina."
Tumango si mommy.
"Angela, get inside."
"Y-yes, mom." Dali dali kong binuksan gate ng bahay namin. Lumingon ako kay Jeric to bid goodbye. Nginitian niya lang ako saka tumango. Napangiti din ako pero nawala yon ng lumingon si mommy sa akin. Hindi pa rin natatanggal yung crossed arms niya at di pa rin bumababa kilay niya. Dahil don, napapasok ako sa loob namin ng wala sa oras. Nakakatakot si mommy ngayon, feel ko. Sana naman wala siyang sabihin na kung ano kay Jeric na magpapasama ng loob nung tao. Like what Dondie's father did last night. Alam kong apektado pa rin si Jeric pero tinatago niya lang. Dahil don, bilib na ako sa kaniya. Magaling siyang magtago ng nararamdaman at emosyon. I envy him on that.
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Teen FictionMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...