I tried to act normal at parang balewala lang yung sinabi niya. Tumikhim ako.
"Alam ko. Sinabi na yan noon ni Mr. Ramiro."
Napayuko siya at saka napahilamos sa mukha. Nakikita ko sa kaniya na nahihirapan siya. Inangat niya ang ulo niya saka pumikit. "Sa January na yon," nakapikit pa rin siya, at huminga ng malalim "pero parang gusto kong tumutol."
"Bakit?"
Dinilat niya ang mga mata niya saka tumingin sa akin. Tiningnan niya ang mga mata ko. "May itatanong ako sayo."
"Ano?"
"Manliligaw kita, diba?" Natawa ako sa sinabi niya. Oo nga pala, manliligaw niya ako. Nawala na sa isip ko yon. Malapit na rin pala at matatapos na ang deal namin.
"Oo nga pala."
Ngumiti siya. "Sinasagot na kita."
Pinanlakihan ko siya ng mata kaya this time siya naman ang natawa. "What?"
"Sinasagot na kako kita. Meaning, girlfriend na kita, boyfriend mo na ako."
Literal akong napanganga. Seryoso siya? Ikakasal na siya tas may balak siyang magkagirlfriend? Baliw na to.
"Baliw,"umiling ako. "Ikakasal ka na, gago."
I don't know kung anong nakakatawa sa sinabi ko dahil sobra siyang natawa. Nakahawak pa nga siya sa tiyan niya e. Baliw nga.
Pinalo ko siya sa braso. "Ano ba! Ano bang nakakatawa?"
Tumingin siya sa akin saka tumawa ulit. Tawa lang siya ng tawa to the point na naluha siya. Pinunasan niya yung gilid ng mata niya saka seryosong tumingin sa akin.
"Ang lutong non ah. Gago." Tas tumawa na naman siya. So, yun pala ang tinatawanan niya? Ang babaw! Pinanood ko lang soyang tumawa ng tumawa. Titigil din yan mamaya, may bonus pang kabag yon.
Nang huminto na siya sa kakatawa tiningnan ko siya ng seryoso. "Tapos ka na?"
Ngumiti siya at tumango. "Yup," umayos siya ng upo tas tumingin ulit sa akin. "I can't imagine na nakakapagmura ka pala ng ganon." Natatawang sabi niya habang umiiling. Tiningnan ko lng siya ng masama saka sumandal sa sandalan ng upuan. Kanina lang, sabukot mukha niya, ngayon halos mamatay na siya sa sobrang saya. Siya nga lang masaya e, dahil sa pagsabi ko ng gago. Psh. Ang babaw niya talaga. Napatingin ako sa kaniya ng tumikhim siya at seryoso na siya ngayon.
"Tayo na, ha?"
Umiling ako. "Di pwede."
"Bakit naman?"
"Ikakasal ka na--"
"Gago." Pagpapatuloy niya sa pinutol niyang sinasabi ko at nagsimula na naman ang maliligayang oras ni Jeric Santiago Ford. Hindi naman yun ang kasunod na sasabihin ko, pero pinutol na niya e, wala na akong magagawa. Masaya siya dun. Hayaan na lang. Napangiti at napailing na lang ako. Ayewan.
*
"Wake up, princess."
"Hmmm?"
"Wake up." Mat tumapik sa pisngi ko kaya pinalo ko ang kamay nung kung sino man ang tumapik sa pisngi ko.
"Let me sleep." Inaantok na sabi ko. Napabalikwas ako ng upo ng may humawak sa batok ko. "Ano ba?!" Sigaw ko habang nakapikit pa rin.
"Don't shout at me, young lady." Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses nung nagsalita. Kinurot ko braso ko, gising na ako. Hindi na to panaginip.
"Daddy?" Sa sobrang tuwa ay napatalon ako kay daddy at niyakap siya. Grabe, namiss ko ng bonggang bongga si daddy.
Tumango siya, "the one and only." nakangiti niyang sabi. "Happy 16th birthaday, my princess." then he kissed my temple. Napatingin agad ako sa calendar na nasa pintuan ko. October 9 na. Oo nga pala. Its my birthday and now I am sixteen. Hindi ko namalayan na araw ko na pala. Ang bilis lang talaga ng panahon.
"Thanks, dad."
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Teen FictionMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...