MEMORIES

7.9K 115 4
                                    

sorry dahil dinelete ko yung ibang pages. at Binago ko ang title.. hehehe. Pero anyways, pareho naman ang outcome ng story. Kaya don't worry guys..

So eto na yung new chapter...

________________________________

DMITRI'S POV:

Hayy... Simula nung bumalik na si T sa Germany ay para akong buhay na patay. Walking dead kung baga. Physically present, but mentally absent. Talagang totally lutang ako. Wala akong kinakausap ng matino. Kung tatanungin ko naman kung may sinasabi ba sila, eh ang pag-iling at walkout ang nakukuha ko. Tss. Ano ba tong mga taong to. May problema na nga ang tao, dinadagdagan pa. Sapakin ko sila isa-isa eh.. 

Huminga lang ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko sa rear-view mirror kung gwapo pa ba ako sa itsura ko. Aba malay ko ba, baka magkabanggaan kami ni T sa kung saan at makita nyang hindi na akong kasing gwapo gaya ng dati. Baka maturn-off sakin, yun ang hindi pwede....

"NOOO!!! Hindi pwede. Kahit anong mangyayari mapupunta parin sya sakin. Di ba? Di ba?" Sabi ko saking sarili sabay taas-baba ng kilay. 

"Aish! Ano ba tong nangyayari sakin. Kinakausap ko na ang sarili ko. Hay. Makapagdrive na nga. Baka mabangga pa ako neto. Mabawasan ng mga gwapo sa mundo." Natigalan ako sa sinabi ko. At ngumiti ng may maalala dahil sa sinabi ko. Takte!! Nasisiraan na talaga ako ng ulo!

"Teka. May nakain ka bang aircon Dim? Bakit ang hangin mo yata? Dali kuha kanang jacket baka ginawin ka.. hahaha..... Di ba yan naman ang sasabihin mo sakin Baby?? Bakit ka ba nagtatago sakin? Alam ko naman na may anak tayo. Okay.. MGA anak pala. Just come Back soon... Please.." hindi ko namalayang umiiyak na ako. At ng mapansin ko ang sarili ko na umiiyak ay tumawa akong ng may tumutulong luha sa mga mata ko. "Baby.. Wala ito ha.  Baka iisipin mong nababakla ako kasi umiiyak ako....*sniff* S-sabi nga nila...Real m-men cries..because its the evidence that they trully love the person behind their tears..." sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha ko. SH*T!!! Baliw na talaga ako!!!

Habang nagdadrive ako ay hindi parin ako tumigil sa pag-iiyak. I really miss her that bad kaya nagkaganito ako. Kaya kailangan ko na talagang kausapin si Dad Ulrich(T's dad. he said dad na daw tawagin ko sa kanya. Kaya makisipsip na para mapa sa akin na anak nya... hahaha.. jk) I need to tell him hindi na 'to pwede. Pupuntahan ko na talaga si T sa Germany at talagang hindi ko na sya pakakawalan. Kahit sa anong paraan. Either by hook or by crook. I will not back down.

Habang  abala ako sa pagdadrive at pag-iisip ng maaring gawin ko upang maibalik lang sakin si T ay biglang tumunog ang cellphone ko. Lumakas ang kabog ng puso ko. Parang may hindi magandang mangyayari ngayon. Tila kinakabahan ako.. Tss. Ano ba kasi ito?? Baka Signs na ito ng heart disease?? Hahaha. Pinapatawa mo na talaga ako JOHN DMITRI ALCANTARA. Wala akong sakit. Di pwede yun. Wala pa sa listahan ko yan. Okay na kung maibalik ko na si T sa tabi ko. Sa ngayon hindi pa pwede.

Pinaabot ko muna ng anim na rings para thrill naman... Di joke lang. Kinalma ko sarili ko at pinunasan ang mga luha kong hindi na matigil-tigil..

Pinaslide ko na ang answer button at tumikhim muna bago ko sinagot.

"H-hello?" sabi ko sa mahinang boses. Baka kasi mahalata na kaiiyak ko lang. Matukso pa akong bakla. Psh!!

"Okay ka lang?" tanong ng babae sa kabilag linya.

"Y-yeah. Okay lang ako. Oh. Bakit na patawag ka?" pilit kong pinasisigla ang boses ko kahit naiiyak na naman ako.

"I.....Hava.....a surprise for you!!!!" masiglang tugon ni baby Ros sa kabilang linya. 

Mr. STUBBORN'S BABIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon