Tatyana's POV:
"So... Tulog naman na yung dalawa siguro pwede na?" Sabi ni Jd habang nagtataas-baba ang dalawang kilay.
"Tumigil ka nga. Umandar na naman yang pagkapilyo mo. Manang-mana sayo yung dalawa. Naku?! Sarap mo kurutin sa singit lalake ka!" Ako habang nanggigigil sa inis. "Layo! Naaalibadbaran ako sayo!"
"Sige magpapakurot naman talaga ako eh. Dun ngalang sa kwarto natin para walang istorbo." Nakangisi naman nyang sagot.
"Ikaw tigil-tigilan mo ako ha! At ako'y naiinis parin sayo." Ako habang paakyat ulit sa taas para tingnan kung natutulog nga yung dalawa at hindi naglalaro.
"Tulog na nga yung dalawa. Tara na kasi para may bagong kalaro na yang dalawa." Sinarado nya yung kwarto ng dalawa bago ako hinila sa kabilang kwarto.
"Kala mo madadale mo ako sa mga style mong ganito? Hindi yan uubra." Sabi ko habang nakapameywang na nakaharap sa kanya na nilalock ang pinto.
"Tingnan natin." Siya habang may ngising manyak.
"Alam mo ewan ko sayo. Lalabas na ako, wala ka namang kwentang kausap."
"At san ka naman pupunta?" Nagulat ako dahil sa pagposas nya sa kanan kong kamay. "You can't get away now. Baka gusto mong itali na talaga kita sa higaan natin babe para at ikulong ka nalang dito sa kwarto natin. Naiinis na din ako sa mga bata minsan kasi sila nalang ang lagi mong nakikita. Pano naman ako? Gusto ko nga sana na dun muna sila sa mommy at daddy mo para naman masolo kita. Alam mo bang sabik na sabik na ako sayo. Wala akong pake sa iba basta lang nasakin lang ang atensyon mo."
"A-ano ka ba naman. Napaka seryoso mo. Hindi naman sa a....a-ayaw ko.." Nanginginig na inabot ko ang kanyang mukha na hanggang ngayon ay seryosong seryoso. "Kasi nga tirik pa ang araw eh. Baka... Baka lang magising yung dalawa at makaistorbo. Alam mo naman yung dalawa." Nakakatakot naman tong kapreng to. Shet.
"Then convince me. Convince me na mamayang gabi nalang natin gagawin. At ayaw na ayaw ko ng tanggihan mo pa ako mamayang gabi dahil you took this oath."
"Oath talaga?" Mahina kong bulong habang hinihila nya ang posas kaya napalapit ako sa kanya at nilapit nya ang mukha nya sakin yung nalalanghap ko na ang mabangong hininga nya.
"Or you wouldn't know what I'll do to you just to get you got it?" At hinalikan nya ako ng mapusok.
"T-teka. Paano kita icoconvince kung nanghahalik ka jan." Ako habang tunutulak sya palayo kasi matapos nya akong halikan sa labi napunta sa may leeg ko. For sure may hickey na naman yan. Hays.
"Kaya nga you still need to convince me. Kung hindi mo magawa then you know what'll happen." Naramdaman ko ang pagsmirk nya sa leeg ko. Nakakakiliti gosh.
Magsasalita na sana ako ng marinig koang iyak ni Dmitri sa baba. Hinahanap ata kami.
At itong kapre namang ito patuloy parin akong hinahalikan. Gusto ko naman. Hahaha.
"A-anobhhhmm" deng it.
"Daddyyyyy!!! Mommmyyyy!! Hhuuu" ayun na. Nagkakakatok na.
"Damn it." Mahinang bulong nya pero hindi padin bumibitaw sa pagkakayakap sakin.
"Take this thing off bubuksan ko ang pinto." Ako habang kinakalang ang posas.
"No." Matigas nya namang sabi."Anong no? Pupuntahan ko anak mo. Nag iiiyak na dun. Kaya dali na kalagan mo na ako bago pa ko mainis sayo."
"I said no. We should stay like this. Mabubuksan mo naman parin yung pinto kahit nakaposas ka. Yung isang kamay gamitin mo." Sabi naman nya na parang naiinis pa.
BINABASA MO ANG
Mr. STUBBORN'S BABIES
HumorMatigas ang ulo... Yan ang katangiang meron si Tatyana Ivonne Schnittka. Hindi nya akalaing may mas matigas pa pala ang ulo kesa sa kanya at yun ay si John Dmitri Alcantara na nagbihag sa kanyang puso. At ngayon ay tinataguan nya ito dahil nabuntis...