The B*tch is here

2.1K 57 6
                                    

After the dramahan chu-chu session ay sumama si Jd pati yung dalawa. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nung ugok eh ang lapit lapit lang naman ng pupuntahan ko kung magkadrama parang sampung taon ako mawawala. Hayy. Kita nyo na?? Imbes na Dalawa lang yung anak ko naging tatlo na. -_-" 

At dahil sa sumama nga yung baby "DAMULAG" namin.  Edi eto na naman po tayo sa pagiging seloso nya na wala naman talaga sa lugar. 

Lahat nalang eh. Maski yung kinausap ko lang kasi nagtanong ng kung ano eh sininghalan nya. AT nandon pa yung asawa nung lalake. BUNTIS pa. Kita nyo na? Mababatukan ko na talaga to eh. 

"Here, say ah..." Jd. -_-"

"Ahhh... Babe, open your mouth." sya parin habang iniumang ang kutsara sa bibig ko, 

"Ano ba jd di na ako bata." ako. Ano ako? toddler?

"Dali na kasi para maubos mo na yung pagkain mo. Konti pa lang yung nakain mo oh. Kaya ka pumapayat eh." sya. 

"Ako na. I could do this on my own." pinandilatan ko sya para malaman nyang nakakahiya yung ginagawa nya. 

"No. I insist. Bakit ka ba nahihiya? Don't you remember that I used to do this to you before? Cause you won't eat unless I'll be the one to feed you?" 

God. Naaalala nya pa yun?? Eh ang bata bata ko pa nun eh. At tsaka inaamin ko at a young age crush ko na cya kaya lahat nalang ginagawa ko para ako lang pansinin nya.

"Dmitri stop. Nakakahiya. I'm not a baby anymore ok?" sabi ko habang pinamulahan kasi hindi nya parin binababa yung kutsara. Ang kulit.

"Ayaw. Dali na. Isa nalang to. You need to have energy. You'll need this later. Trust me." And he grinned. Ano daw?? Bakit parang may ibang meaning yung sinabi nya? 

"oh eto na po. I'm gonna open my mouth na. Ahh.." ako habang nakapikit para itago ang kahihiyan. Pero ba't parang antagal naman nyang subuan ako. Then i heard he chuckled and the kids giggles. 

"Ano ba?? Akala ko ba isusubo mo na? Ba't ang tagal?" naiinis kong sabi. 

Natatawa naman syang tumingin sakin. "Cause I just realized that there's this lady sitting in front of me who's merely doing nothing in particular but still manage to be beautiful." And he gave me his sweetest smile.

"Now eat." naka ngiti nyang tugon sakin. 

"Eat this too mommy." Ivon.

"This one too." Dmitri. 

"Mom! Mommy eat this too." natatawang subo naman ni Ivon sakin kasi puno na yung bibig ko.

"Mommy eat. eat!" Dmitri. 

"Hhmm. Baby mommy is full. I can't eat that anymore." nakanguso ko namang sabi kay baby Dmitri na kinatuwa nya. Ang cute talaga ng baby ko. Sarap kurutin. Kaya kinurot ko yung pisngi nilang dalawa. 

"Ghad! why so cute baby ko." nanggigigil kong sabi sa anak ko. Natawa naman ako kasi naiinis na tinabig ni Ivon yung kamay ko. At dahil makulit ako kinurot ko uli yung pisngi ni Ivon at tinabig nya ulit at pagalit na tumingin sakin.

"Aba. Suplado naman ng baby ko. Are you mad at mommy?" Malambing kong sabi sabay haplos sa pisngi nyang kinurot ko.

"I'm not mad mommy. I'm eating." Sabi nya pero nakabusangot naman. Natawa nalang akong sinubuan sya kahit ayaw nyang magpasubo. At nainggit naman yung isa kaya nagpasubo din.

Yung last na isusubo ko na sana kay Dmitri ay biglang hinawakan ni Jd ang kamay kong may kutsara at isinubo yun sa sarili.

"Jd!" Gulat kong sabi. Tumawa naman si Dmitri sa ginawa ng daddy nya. Hays. Yung isa tahimik lang habang nilalantakan yung sundae nya.

Habang pinupunasan ko ang kamay at bibig ng dalawa nakita ko naman si Jd sa peripheral vision ko na may tinitingnan.

Nagkanda haba na ang leeg nya sa kakatingin dun sa kung ano man yun. Kaya nung tapos ko ng punasan yung dalawa na nagkukulitan lang ay tiningnan ko naman yung tinitingnan nya na ewan ko kung ano.

Nakita kong babae ang tinitingnan nya. Hindi ko nga lang alam kung sino dahil nakatalikod samin. Baka kakilala lang nya kaya di ko nalang pinansin.

Pero laking gulat ko nalang ng biglang lumingon ang babae at ngumiti. Yung mapang-akit na ngiti. Ayy putcha! Wala naman kami sa zoo bakit may parot dito?

"Dmitri?" O.a namang sabi ng parot.

"Oh-em-to-the-geeee!!" Jusko dai! Yung bunganga mo mahiya ka naman.
"Dmitri ikaw nga! Babe!  I miss you!" Sabi nya habang paunti unting lumalapit sa mesa namin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya kaya agad naman akong napatingin kay Jd na nakapoker face lang na parang hindi nya narinig ang babae.

At ano daw?? 

Babe?
BABE?!!

Tinignan ko ulit yung babae na nakalapit na pala sa mesa namin. Nakatayo sya sa gitna ng kambal na naguguluhan din.

"Eeiiiihhh?!!" Naiinis na tinabig ni Ivon ang kamay ng parot dahil bigla nalang nya ito kinurot sa pisngi.

"Hhmm. So cute baby dmitri!" Sabi nya habang kinurot nya uli si Ivon na ngayon ay humibi na habang tinatabig ang kamay ng walang hiyang babae.

Napansin ko din na namumula yung part na kinurot nya at kunti nalang talaga at iiyak na si Ivon. Nagdilim ang paningin ko ng di parin nya tinigilan si Ivon.

"Would you please let go of my son?" Pagalit kong sita at napatayo na din ako sa inis dahil naaalala ko na kung sino sya.

God!  The nerve of this bitch!

~Tbc~

A/n:
Hello guys!  Pasensya na sa l
Super duper long update. At maiksi lang din yung part. Nagka writer's block kasi ako tsaka school na din.

Sorry talaga. At dun pala sa mga nagbabasa at nagcomment ng ud pasensya na talaga. Sorry guys!  Yaan nyo maybe next week makaka ud ako ulit. Sisikapin kong maka ud agad para sainyo.

Thank you sa suporta guys! Belated merry christmas at Happy new year! I love you all!  God bless. :) <3

Mr. STUBBORN'S BABIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon