Dahil natuwa naman ako sa mga feedbacks ninyo. Eto na ang isusukli ko. :) enjoy.
——————
Jd's POV:
Dahil sa iyak ni Dmitri at hindi rin na patigil ng mga tao sa bahay na ewan ko lang kung lumabas na ba ang kanyang ina sa kwarto.
Kaya lumabas na ako sa guest room at pinatahan si Dmitri.
"D-daddy!" Patakbong lumapit si Dmitri sakin at yumakap sa mga binti ko.
At pagtingin ko sa kanya nka tingala sya sakin. Ang cute nya lang kasi namumula yung tenga at pisngi nakapout pa habang umiiyak. Ahahaha. Binuhat ko nalang at pinatulog ulit. Halatang antok pa eh. Yung isa tulog pa ata.
Dinala ko sya sa kwarto namin at tiningnan kung gising naba ang reyna. Pero wala sya. Automatic naman akong napalingon sa banyo kaya alam ko naliligo sya. Mamaya nalang siguro.
Nandito ako sa garahe tinitingnan ko saglit yung kotse ng mapansin ko syang lumabas at may dalang spray bottle. Sinundan ko lang sya ng tingin. Alam ko sa garden yun pupunta. Nakasanayan na nyang bisitahin yun araw-araw.
Tinitingnan ko lang sya mula sa kwarto namin. Tapos na sya sa garden. Nag-iba naman yung expression nya sa mukha at dinukot ang cellphone sa bulsa. Kaya ako lumabas na sa kwarto at lumipat sa room ng kambal dahil baka tapos na yun maligo. Ako na lang magbibihis. Hihintayin ko syang matapos kumausap sa taong kausap nya sa cellphone para wala ng istorbo mamaya.
Nung tapos ko ng bihisan sina Dmitri at Ivon ay pina una ko na sila sa baba. Kakausapin ko na sya ngayon habang wala yung dalawa.
Pipihitin ko na sana yung doornob pero nakalock. Lock? Ba't sya naglock ng pinto? Hays. Mamaya na nga lang.
Andito muna ako sa room ng kambal. Inaayos ko yung kalat nung dalawa. Ang kalat kasi ng room nila.
Malapit na akong matapos ng marining kong nagbukas ang pinto sa kwarto namin. Kaya dali-dali kong tinapos ang pag-aayos sa kama ng kambal.
Nung nakababa na ako sa wakas nakita kong may backpack syang dala at nakapang-alis pa. SH*T?!
No. No. No. Hindi pwede. Hindi pwede..Alam kong baklang tingnan pero umiiyak ako habang patakbong lumapit sa kanya.
I'm crying like a baby habang naka yakap ako sa kanya sa likod.
"P-please..." Please don't leave me.
"Tatyana...please.. I'm sorry...s-sorry." I can't take it pag.umalis ulit sya. Hindi sya umimik. So i guess I'll do it.
"B-baby please--"Pumunta ako sa harap nya at lumuhod habang yakap sya sa bewang. I'm too afraid na baka all along na nanaginip lang ako. Na lahat ng ito ilusyon lang. Sumubsob ako sa bandang tyan nya para mayakap ko pa sya ng mas mabuti.
Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng maramdaman ko ang kamay nya sa baba ko na unti-unti nyang inaangat. Nung magkaharap na kami tinitigan ko sya sa mata. At doon ko nakita ang pagkalito, lungkot at awa. AWA... Yan ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang kaawaan ako. At sa mismong babaeng ito. Natatakot na ako.
"Please—don't leave me. Baby p-please. I-i'll do anything—a-anything you want just dont leave me. Don't leave me again. P-please...." Kahit gawin nya akong utusan. O kahit saktan man nya ako. Tatanggapin ko lahat. Wag lang syang umalis ulit.
Kasi siguradong hindi ko na kakayanin. Hinding-hindi na ako makakabangon pa ulit gaya ng dati. Nasasanay na din kasi akong nandito lang sya sa bahay nakikipagkulitan sa lahat. Tumatawa. Napipikon. Naiinis. Nagagalit. Lahat nagginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Mr. STUBBORN'S BABIES
HumorMatigas ang ulo... Yan ang katangiang meron si Tatyana Ivonne Schnittka. Hindi nya akalaing may mas matigas pa pala ang ulo kesa sa kanya at yun ay si John Dmitri Alcantara na nagbihag sa kanyang puso. At ngayon ay tinataguan nya ito dahil nabuntis...