Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Deal or No Deal

3.2K 68 0
                                        

Reminders:

This is a work of fiction. Names, characters, bussinesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons,living or dead, or actual events is purely coincidental.

 Thank you. 

 ______________________________

TATYANA's POV:

It's been 2 months simula nung umuwi ako ng pilipinas at sapilitan akong isama dito ni John Dmitri Alcantara ang PROUD DADDY ng mga anak ko. 

(A/N: Nakakapagod talaga maging nanay.) 

Tell me about it. Hugh! Yung akala mong tutulong sayo sa pag-aalaga sa makukulit at matitigas ang ulo na bata, eh, sya pa 'tong walang kasing kulit at tigas sa lahat ng tao sa mundo.

Para akong masisiraan ng ulo pagnakisawsaw na ang magaling na tatay ng mga anak ko. Parang mas gusto ko ng tumambay sa mental pagganun ang nangyayari. Ang childish nya AS IN! Tagos sa bones yung katigasan nya. Mas matigas pa yun sakin eh. 

Masaya kami this past months. Parang walang nangyari. I know. Iba kami. Hindi ako yung tipong tao na nagjujudge ng tao. I know iniwan ko sya without an explaination. And I know sa tingin nyo hindi ko sya kayang patawarin and to hear him out. 

Actually, I'm almost ready to hear him out. To hear his story of what happened before. Dati ko pa kasi alam na sadyang habulin talaga sya ng babae. At hindi pa kami noon. Paano ko yun na sabi? Kasi naexperience ko na kung paano masabunutan, masampal at masapak. 

-FLASHBACK-

 

Naglalakad ako sa hallway para bumalik sa classroom ng biglang may humarang saking mga babae. Base narin sa suot nila malalaman mong college student na sila. 

 

"Ahm. Excuse me. May I pass??" Inosente kong sabi sa kanila. Abala malay baka dahil dun padaanin nila ako. 

Hindi sila nagsalita bagkus nagsmirk pa ang babaeng katapat ko. Bale anim silang lahat. 

Nataranta na ako nung narinig ko yung bell. Hala! Patay! Second bell na yun. Late na ako sa next class ko. 

Sisingit na sana ako sa gitna nila ng bigla nilang hawakan ang magkabilang braso ko. T-teka. Malelate na ako sa klase!!! NYEMAS!

"How rude of you. Walang galang!" pabalang nyang sabi sakin. 

 

"B-bakit po?" naguguluhan kong tanong. Eh, sa wala akong alam kung anung kailangan nila sakin. Wala naman silang sinasabi.

 

"Bitch ka na nga. Walang galang kapa!!" Sabi nung katabi nung kaharap ko. yung humawak sa kaliwa kong braso. 

Ako BITCH?? Bakit ano bang ginawa ko sa kanila?

"Makikiraan lang po. Late na kasi ako sa next cla--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil basta nalang nila akong kinaladkad sa lugar kung saan walang masyadong tao sa university ang playground. At doon nila ako pinagsasabunutan at pinagsasasampal at sinisigawan ng 'BITCH' 'SLUT' at kung anu-ano pa. 

Mr. STUBBORN'S BABIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon