Food Poisoning?!

2.6K 61 7
                                    


Tatyana's POV:


I may not know her name pero natatandaan ko yung mukha nya.

Masasabi ko dati na maganda sya, pero ngayon iba na. Mukha na syang BRUHA. Naiinis na ako idagdag mo pang ni hindi man lang gumalaw si Jd para pigilan ang "babe" nya kuno. Pwe! kasuka.

Hindi na ako nakatiis ng marinig kong umiyak na si Ivon na di naman umiiyak kahit anong gawin ni Dmitri na masakit sakanya. At OO nag-aaway  yang dalawang yan. Nagsusuntukan o wrestling. Una-unang iyak si Dmitri pero pag umiyak na yung isa titigil na si Ivon pero si Dmitri susuntok parin, ayaw patalo eh. Pero si Ivon? Ayun dedma. Pero ngayon umiiyak na nga. 

Dali-dali akong pumunta sa pwesto ni Ivon at binuhat ito sa kanyang high chair bago ko sinampal ng malakas ang babaeng haliparot sa harapan ko. 

Masasampal na nya sana ako kaso humarang na si Jd kaya sya yung nasampal. Pumaling ang mukha ni Jd sa lakas ng impact ng pagkakasampal ni haliparot. Nakita ko kung paano umigting ang panga nya sa galit. 

"Get out." mahina pero matalim nyang sabi kay parot. 

"B-babe. I-I'm so sorry. I didn't mean it. Humara--"

"DIDN'T YOU HEAR ME?! I SAID GET OUT!?" Sigaw nya. She flinched even I flinch when he said that. Nakakatakot palang galitin si Jd. 

Nagdadalawang isip naman ang babaeng lumabas pero ng makita nyang maraming tao ang nakatingin ay napilitan itong lumabas. Lumabas na luhaan. 

Nanginginig kong nilapag si Ivon kaya napayakap ito sa legs ko habang umiiyak parin. Nakita kong pati si Dmitri umiiyak na din. Nakita ko sa mga mata nya ang takot. Alam ko natakot sila sa daddy nila. Pero sana naman di nila ito katakutan ng matagal. Kinarga ko din sya at hinihele para di na umiyak. 

Lumingon naman si Jd sa amin. Nagtama ang paningin namin, nakita ko sa kanya ang pag-aalala. Binuhat nya si Ivon at yumakap naman ng mahigpit ito kay Jd. Nagtaas sya ng mukha at nagkatinginan ulit kami.(A/n: Hoi. Magtititigan nalang ba kayo buong maghapon?) 

Nakita ko ang bakas ng kamay at konting dugo sa gilid ng labi nya. Walang hiya talaga yung haliparot na yun! Hindi lang yung anak ko pati yung asawa ko pa! 

OO NA! MAHAL KO SI JD. Bakit ba? Isa akong pabebe girl! Kaya wala kayong pake! 


Bago pa ako makalapit sa kanya ay hinawakan na nya yung kamay ko ng mahigpit. "Let's go." Mahina nyang utos sakin. 

"Pero yung pagkain?" Di naman sa gutom pa ako. Pero yung eskandalo namin sa restaurant inaalala ko. 

"What? You're still hungry?" Umiling ako. 

"What about it?" sabi pa nito habang nakataas ang kilay. 

"Uhh. Aalis na tayo? Without even apologizing for the scene kanina?" Nag-aalangan lang ako kasi parang normal lang na nakaisturbo kami sa mga taong kumakain doon. 

"Markus!" 

"Yes sir? Is there anything you need?" tanong nung waiter na kararating lang. 

"You'll gonna get bonuses next week. Just don't let that "scandalous" scene that happened earlier." Ang akala kong magtatatalon sa tuwa ay naka neutral face lang. "Thank you sir. and no problem. Don't worry about it. Is that all sir?" Tumango naman si Jd sa waiter. "So I'll be going now, Sir, Madam." sabi nito sabay yuko at umalis na sa harapan namin. 

"And babe, they're not just any customers. Actually this building is mine and this restaurant is mine. As well as the people who are eating here are working for me. So Don't worry too much. And as for you people who are here will get a bonus." kaninang kalmadong paligid ay napuno ng tawanan at kagalakan. 

Mr. STUBBORN'S BABIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon