August's Point of View
Huh! Ang dami na raw naghahanap sakin ah. Anyways, kung akala niyo umabsent ako para makalimutan yung mga narinig ko,
well,
TAMA KAYO..
Kainis naman kasi. Totoo pala talagang may mga taong paasa, at may mga tao ring assuming.
Isa na ako run. Capital A-S-S-U-M-I-N-G. At ang nakakinis lang, ako pa yung assuming sa storya namin. Lam mu yun? Ako lalake dito eh! Anak ng tipaklong lang, sarap mag bigti!!!
"Anak, mag handa ka na at aalis na tayo." Mom said. Well, this is a great time para makapag unwind. Pupunta kasi kami ng Baguio para sa business namin don.
Actually, hindi naman talaga kasi dapat ako kasama. Si Mommy at daddy lang sana yung pupunta kaso nag pumilit akong sumama para makalimutan ko ang mga walang kwentang bagay na narinig ko.
"Susunod na po ako." I said, at tska kinuha ang maleta ko. Sabi ni mama, 2weeks raw kami doon, at naka file na ako ng excuse letter para sa lahat ng subjects ko.
I told my teachers na wag na ipaalam sa mga classmates ko kung bakit ako umabsent. Siguro kailangan rin ng pahinga at utak ko .. pati na rin puso ko.
--
Nang makasakay na kaming lahat sa van, wala na akong ibang ginawa kundi isaksak ang dalawang earphones ko sa tenga at natulog. Mahaba habang byahe rin to.
Hayy, sana naman may makita akong chiks sa Baguio, tapos gawin kong syota para masaya.
"Augustin!" sigaw ni Mommy bago pa ako makatulog. =_= Talaga naman.
"Mom? Bakit?" tanong ko saknya.
"Niligawan mo na ba yung future daughter-in-law kong si March?" She asked habang ngising ngisi.
Seriously mom?
I know you like her. But you shouldn't. Sasaktan lang niya ang puso ng anak mo.
Napailing nalang ako at hindi ko na siya sinagot. Sinaksak ko ulit ang earphones ko at natulog. Hayyy, pwede ba mom, magbabakasyon ako para makalimot, wag mo na nga imention ang pangalan na yan. Masira pa ang araw ko eh.
"I think na busted ang anak mo, mahal." narinig kong sabi ni mommy kay dad.
Ako? Isang Augustin Ganioda? ma bubusted lang nang isang Marcheline Araival? Ang kapal lang ng mukha niya para gawin yun noh.
At tska, wala na akong balak manligaw pa. Hindi siya deserving sa loyalty, loving and caring ko. Asa pa siya!
Pero kahit sinasabi ko to, ramdam ko parin sa puso ko ang kirot..
Yung tipong, akala mo MAHAL KA DIN NIYA. Yung tipong sinabihan ka niya na mahal ka niya eh. Hindi pa nga nagsisimula, bumaliktad na agad yung mundo.
Di ko talaga siya mainintindihan. Sumbagay, wala naman talaga siyang lalakeng sineryoso. Sino ba naman ako?
Teka. Tama ba yung tanong ko?
SINO AKO? HUH!!
Hindi niya ba kilala kong sino ako?
Ako ata ang hearthrob ng school.
Laging MVP sa basketball, libero sa volleyball, champion sa table tennis, napakagaling na singer, at higit sa lahat, ang nag iisang gwapo sa Royal Academia. San ka pa!
"Saksakan din kasi ng yabang yang anak mo kaya na busted." sabi ni daddy kay mommy.
Teka! Nababasa ba ni daddy yung isipan ko? Whoa!! Pano yun?
"Mana lang sayo." sagot ni Mommy.
Hayy. =_= Ewan ko nga sainyo. Makatulog na nga!!!!
**
Jeremy's Point of View
Di ko maiwasang masaktan nung nakita kong naiinis si March nung magkasama si August at Sophia.
Dati pay alam ko na may gusto si August kay March. Take note, lalake rin ako. Kung ako nga nagtatagong gusto ko si March, si August pa kaya?
Ang nakakainis lang, na torpe ako. Kalat kasi sa school na may gusto si March saakin. Sobrang nauutal akong kausapin siya. Di ko magawa kasi gusto ko rin siya. Nahihiya ako na baka ma wrong move ako sa gagawin ko, at ma discourage siya.
2 years din akong nag-ipon nang lakas ng loob para ligawan siya, pero hindi ko parin magawa. Ang daming nakapalibot eh, napakahirap humanap ng chempo.
Ang daming nagkadarapang manligaw kay March, pero wala ni isang sinagot niya. Kaya natakot ulit ako.
Ayoko ring gawing advantage ang pagka gusto niya saakin para ligawan ko siya. Ayokong isipin ng ibang tao na kaya ako nanliligaw eh dahil gusto niya ako.
Minsan, marami ring umaaway sakanya nang dahil saakin. Ayoko masaktan siya ng dahil saakin kaya lumalayo ako sa kanya. Nakakatawa noh? Daig ko pa ang bading.
Pero nung nag lakas na ako ng loob na ligawan siya, doon pa siya nagka gusto sa iba.
Sa totoo lang, kaya ako nagka lakas loob na ligawan siya, dahil nakikita kong gumagalaw na rin si August sa panunuyo sa kanya.
Ayokong mahuli, ayokong magsisi sa huli. Ako na yung gusto ng tao eh.
Pero ang pinagtataka ko, sa lahat ng nanliligaw kay March, kay August lang ako na thre-threaten. Hindi ko alam kung bakit.
Baka dahil alam kong seryosong seryoso si August sa kanya at hinding hindi niya susukuan si March once na maka porma ito.
At tama nga ang kinakatakot ko, ang mapagbigyan ng chance ang lalake 'yon.
Alam kong siya ang gusto ni March, kung paano siya tingnan ni March, kung paano magalit si March tuwing magkasama sila ni Sophia, at higit sa lahat, kung paano masaktan si March nung panahong nilalayuan niya ito.
Ang sakit pala. Ayun na eh, nasa sakin na sana. Ang tagal ko lang. Ako nga yung unggoy, at si August naman ang pagong. Kaso natulog lang ako dahil sa sobrang kumpyansang mananalo ako, at yun, si pagong nga ang nanalo. Nice one.
Pero ngayon, kasama ko si March. Wala na siyang ibang ginawa kundi tingnan ang cellphone niya at parang may hinahanap.
Siguro hinahanap niya kung nasaan na ngayon si August. Hindi niya man sabihin saakin, pero halata naman.
"Kanina ka pa nakatingin jan sa cellphone mo ha. Ano bang ginagawa mo jan?" I asked. Nakaka-bother na kasi siyang tingnan.
"Nothing. Im just checking out kung gumagana pa ba tong GPS ko." she said, hindi parin siya tumitingin saakin, instead nakatingin pa rin siya sa cellphone niya at napaka seryoso nito.
"Sino ba kasing nilo-locate mo jan?" I asked.. kahit alam ko namang si August.
"Ahm. Wala, may hinahana--- WAAA! OMG. Nasa Baguio siya? Ang layoooo. Kyaaaaa!" she shouted habang nakahawak pa sa cellphone niya.
Nasa Baguio si August? Ano naman ginagawa niya run?
"I badly need to go! Kailangan kong pumunta ng Baguio as soon as possible!" Sigaw ni March.
Ang sakit! parang binagyo ang puso ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang kita (Under Revision)
Fiksi RemajaMarcheline Araival and Augustin Ganioda are known to be as bestfriend, best enemy in their school. They never felt something for each other until one night, they had exactly the same dream at the same night. It was a mysterious dream, not knowing, b...