1

20.8K 455 15
                                    


Memories

Agad akong nagtago sa likod ng mga halaman nang makita ang mga guard knights. They are really looking for me. Gosh I still can't believe what just happened and I don't understand this at all!

Kanina, nang bumalik na ang senses at control ko sa sarili ay mabilis akong tumakbo at nagtago sa kanila. I am really scared. Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng ito at kung panaginip man ay gusto ko nang magising! This is not a good dream, this is a damn nightmare, being the villain of my favorite story.

Pero ano ba talagang nangyayari? Kanina lang ay naglalakad ako pauwi dahil tapos ko nang isaoli ang libro. Then something really strange happened and I can't really say it because my memories are not clear. Namatay na ba talaga ako? I remember a voice saying "naaksidente." Is that true? Kaya ba andito ako?

Hindi pa rin ako naniniwala. This must be a dream! There's no way Patrina's book of mystery is real? Being inside of my desire? No! Dahil hindi ko naman hiniling na maging isang villain na mamamatay bandang huli!

Sa dami nang iniisip ay hindi ko na mapigilang hindi umiyak. This is terrifying. I don't want to be here anymore. Cathy, this is just a dream so please wake up.

"Princess Farah! Sabi na't nandito ka lang. The queen is looking for you, and she's really furious. So please... Come inside the palace." Isang babae ang lumapit sa akin. Lagot ako!

"No. I am not a princess and my name is Cathy, a-and not Farah." Sigaw ko sa kanya at tinabig ang kamay niyang sinusubukan akong abutin.

"Narinig ko po ang nangyari pero ano ho ba talaga ang nangyayari sainyo? Magkaaway nanaman po ba kayo ng mahal na reyna kaya ka nagkakaganito?" Concern niyang tanong at pilit pa rin akong inaabot. Damn it! Totoo ba talaga 'to? I can't help it but cry. Mommy please come and save me!

"Please, hayaan mo na ako! Hindi nga ako si Farah diba?" Naiiyak kong sabi bago punasan ang luha.

"Nandito ang prinsesa! Sabihin mo sa iba na nahanap na ni Magrita si lady Farah." Lumingon ako at nakita ang isang lalaki na nakasuot ng pulang uniform.

"Go away!" Sumigaw ako at nagpumiglas pero masyado siyang malakas. May lumapit pa na ibang gwardya at marahan akong hinawakan sa braso. Nilingon ko ang babae na si Magrita. Yes, I know her. She's Farah's personal maid.

"M-magrita! Please help me." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi pa naman kami nakakalayo. Nanlaki ang mga mata niya sa pagtawag ko at agad na lumapit sa pwesto namin.

"General, ako na po muna ang bahala sa prinsesa. Patatahanin ko muna siya. Pakisabi nalang sa mahal na reyna na kasama ko ang prinsesa at babalik din kami sa loob ng palasyo agad." Aniya at hinawakan ang kamay ko. The general looked at me with his cold eyes.

"Sige, pero h'wag kayong mag tatagal kung hindi, lahat tayo ay malilintikan, Magrita." Sabi niya at naglakad na palayo.

Magrita hugs me, and so I feel at peace. "Please calm down, Princess." Pag aalos nya sa akin. Kahit papano ay kumakalma naman ako. Mahihinang hikbi na lang ang nagagawa ko.

Queen Esmeralda, the mother of the main villain. The cruel queen is just like Farah. She's extremely evil. No wonder why her daughter turned into her. So anong gagawin ko ngayon? Kahit anong mangyari ay hindi ko siya ituturing na ina ko. Hindi ako magiging kagaya niya at kagaya ng anak niya! I'm not going to waste my life just because of greed!

Sa mga nangyayari ay wala man lang akong chance para mag-isip at mag adjust. Hindi ko alam kung magpupumilit ba akong tumakas o manatili nalang dito? If this is just a dream then it should be fine. I'm just going to act up and go with the flow until I wake up. Pero pano kung hindi? Ano nalang ang mangyayari sakin? Mababaliw na ako!

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now