Only Heroux
"Farah Beatrice!"
Hindi ko alam kung panaginip ito pero may tumatawag sa'kin. It's annoying. Sa irita ay tinakpan ko ang aking tenga.
"Farah, kanina pa kita pinapatawag. Anong oras na at tulog ka pa rin! Oversleeping is bad, you're a grown lady now!"
Ugh! Kaya naman pala nakakairita, umagang sermon pala ni Esmeralda ito. Gusto ko na sanang bumangon pero hindi ko maangat ang katawan ko, para bang nakayakap nang mahigpit sa akin ang kama. Damn! I'm so sleepy, anong oras na akong nakatulog kagabi, at masyadong masarap ang tulog ko dahil sa panaginip, gusto ko pang ituloy!
"Inaantok pa ako..." I said in my sleepy voice. Anong oras na ba? Parang kakahiga ko lang!
"Someone from the imperial school is here! Get up now!" Agad na nawala ang antok ko sa kanyang sinabi dahilan para mapabangon ako.
Someone from the imperial school?
Kinusot ko ang aking mata at at nag-angat ng tingin. Naabutan ko si Esmeralda na nakatayo at nakahalukipkip sa tabi ng aking kama. She looks mad and fierce in her maroon Victorian dress, and her blinding diamond jewelry is making her look more elegant and dangerous. It screams power and superiority.
"Magrita, make her ready by nine." Aniya at muling bumaling sa akin gamit ang matalim na tingin
"Mag-uusap tayo mamaya. Nakakahiya ito sa bisita, Farah!"Nang bitawan niya iyon ay tumalikod na siya para umalis. Kasunod niya ang general knight. Gamit ang kanyang mga nagdidilim na mata ay tumingin ito sa akin bago sumunod sa reyna. Why are they all mad at me? I did nothing! Kakagising ko nga lang.
At sino naman kaya ang bisitang tinutukoy niya? Is it Raven? Or maybe Lucas?
Argh! Inaantok pa talaga ako. My bed is still calling me for another slumber.
Pagtapos humikab ay bumaling ako kay Magrita na abala sa ginagawa. Habang inaayos ang dulo ng kama ko ay napansin kong nakatitig siya sa aking dibdib kaya kunot noo akong tumingin din doon.
I saw a heart gold necklace hugging my neck.
Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Oh my gosh! It's not a dream? Totoo iyon?!
Waah! Agad na naglakbay ang init at elektrisidad sa aking buong sistema. Pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa naalala.
Buong akala ko'y isang magandang panaginip lang ang nangyari kagabi.
Na pumunta si Raven dito para isama ako sa bundok, malapit sa bangin kung saan tanaw ang napaka gandang view ng waterfalls, rock formations, at kalangitan. Na siya rin ang naglatag ng tela at gumawa ng simpleng late night picnic para sa birthday ko! At siya ang nagbigay ng kwintas na suot ko ngayon.Totoo iyon!
Sa excitement na naramdaman ay napahawak ako sa pendant.
"I hope you like my gift. Hindi ko alam kung ano ang gusto ng mga kababaihan pero sana ay nagustuhan mo."
"Are you kidding me? I love it! Thank you!" Mula sa pagtitig sa pendant ay masaya kong ibinalik ang mga mata ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa puting tela na nilatag ni Raven. Akala ko talaga ay may ibang tao pa na narito bukod sa amin pero siya pala talaga ang naghanda nito. And yes, I won't lie, I find it really sweet.
Something in my stomach are getting so crazy too.
Kanina pa ako tinatanong ni Raven tungkol sa regalo niya, kung nagustuhan ko raw ba. At tuwing tinatanong niya iyon ay laging sa mababang tono niya iyon binibigkas at mabilis na nag-iiwas ng tingin. This is actually my first time seeing his very shy side. Mukha siyang ninenerbyos. Gusto ko nga siyang asarin kaso baka ihulog niya ako sa bangin kaya wag na lang. Sa susunod na lang.
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...