9

10.8K 270 16
                                    

Chapter one: Debut

"Magrita, malapit na. Tapos na ba ang prinsesa?" Nakita ko mula sa salamin ang pag silip ni Helena mula sa pinto.

Today's my big day. I'm now eighteen. Today, tomorrow, and the upcoming days are not the same anymore. Hindi na 'yon ang mga araw na pwede nalang ako basta gumalaw. Lahat ay dapat maayos at planado o di kaya'y maingat. I cannot afford to lose.

"Patapos na kami..." Sabi ni Magrita at inilagay sa akin ang hair ornament na binigay ni Raven malapit sa tiara ko.

Speaking of Raven, I'm kinda sad that he won't be attending my party. Inexpect ko naman na iyon dahil kahit na available naman siya ay hindi naman talaga siya pupunta. Nakakatampo lang din dahil hindi siya nagpapadala ng sulat, lalo na ngayong araw na nag-expect ako ng greetings thru letter mula sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip siya. Why am I even expecting those from him in the first place? Malakas na talaga ang sira ng ulo mo Farah.

Whatever!

Inayos ko ang aking dress. Nakasuot lamang ako ng isang emerald green na off-shoulder gown. Pati ang mga alahas na nakasabit sa akin ay puro emerald na napapaligiran ng white diamonds. My mother specifically picked the color green as the theme to match my eye color. Sa family kasi namin ay ako ang kauna-unahang ganito ang kulay ng mga mata, so I am considered lucky or the luck of the family.

"Ayos lang po ba kayo? Bakit mukha po kayong malungkot?" Nag angat ako ng tingin kay Magrita at ngumiti. I'm just too exhausted by the thoughts.

"I'm okay, Magrita, just nervous." Sabi ko at naisipan nang tumayo.

Lumapit ako sa malaking salamin at tinignan ang aking kabuoan. Farah, you're so so beautiful. My face looks so gorgeous and fierce, like an untamed wave.

Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod. Huminga ako nang malalim bago tumalikod para makalabas na. I'm going to see my parents first.

"Let's go..." Sabi ko kay Magrita. Ngumiti siya at tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumungad sa'min ang grupo ng mga knights. They are all wearing a different and more formal attire. Lahat sila ay yumuko, sabay-sabay nang makita ako.

Binuhat ko ang aking gown, si Magrita naman ay nasa likod ko at ganoon din ang ginagawa. Bawat hakbang ay mas nadadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Of course, iniisip ko na hindi ko maiiwasan ang makipag socialize sa mga bisita mamaya. Natatakot lang ako na baka interviewhin nila ako at hindi ko alam ang isasagot. Ayaw ko naman na pumalpak sa unang chapter pa lang.

Ilang saglit lang din ay nakarating na kami sa kwarto ng mag-asawa. Magrita knocked.

"Nandito na po ang mahal na prinsesa..." Aniya

Unti-unting bumukas ang malaking pinto at agad kong nakita ang mag-asawa. Nakaupo sa tapat ng vanity table ang reyna habang nakatayo sa tabi niya ang hari. They smiled sweetly the moment they saw me. They're in awe.

"Oh my! Dante, our daughter's so beautiful... come here, hija." Naglahad ng kamay ang ina. Wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang lumapit at salubungin ang kanyang yakap.

Napapikit ako. Her hug is so warm. Iba man ang yakap na ito mula sa tunay kong ina ngunit pareho lang ang init na dala nito. Esmeralda may not be my real mom but she's Farah's. Syempre ay alam kong mahal niya rin ako, sadyang iba lang talaga ang ways niya, at hindi 'yon maganda. Iyon ang magdadala sa'kin sa impyerno kung sakali.

"Happy birthday, my dear daughter..."

"Thank you, your highness..." Ilang segundo ang tinagal ng aming yakapan bago ako kumalas. I smiled sweetly then look at my parents.

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now