Scared
"Magrita, I'm kinda tired..." Pagod kong sabi bago yumuko para abutin ang mga paa ko. Tinanggal ko ang aking heels na suot at halos umangat ang aking mata sa sarap ng pakiramdam. Heaven.
Naglalakad kami ngayon sa pasilyo patungong kwarto. Hindi pa tapos ang party dahil medyo maaga pa naman pero nauna na ako dahil wala na akong gagawin doon. Wala na kasi akong kausap dahil umuwi na sina Lucio dahil maaga pa raw silang babyahe bukas para sa pasukan. Sayang lang at hindi siya pupwede manatili rito dahil sa kanyang schedule pero nangako siyang bibisita. Besides, same school naman kami kaya for sure ay magkikita kami roon.
He's a kind guy. He has no say in my attitude, he understands me as Farah because we have already known each other ever since then. Sa unting panahon na nakapag-usap kami ay parang ilang taon na kaming nagkasama. Pilyo rin naman siya pero hindi kasing pilyo ni Raven.
"Magpahinga po muna kayo saglit bago maligo para makatulog po kayo nang maayos." Tumango ako sa sinabi niya. Pinagbuksan kami ng bantay ng pinto. Nang makapasok ay agad akong tumakbo sa malaking sofa at humiga.
Nothing beats the feeling of lying down after a tiring day!
"Nag-enjoy po ba kayo, mahal na prinsesa?" Nakangiting tanong ni Magrita habang inaayos ang aking susuotin sa pagtulog. Isang puting night gown.
Sa tanong niya ay napabangon ako.
"Magrita, alam mo ba may nakilala ako kanina sa party! Lucio Erchaluse 'yong name niya. Kilala mo ba siya?" Mabilis kong tanong.
"Opo, gaya ng mga Sinclair ay kabilang sila sa imperial realm, sa mga makapangyarihang pamilya na namumuno sa rehiyon." Tumango ako sa sinabi niya. "Tsaka lagi po silang bumibisita noon, madalas ay siya lang mismo para saiyo."
So everyone knows him. Not just as a member of a royal family but as a friend of mine. Gaya na rin nang nasabi niya kanina, dahil kilala ang mga Sinclair sa imperial realm, alam ng mga tao na nag-iisang anak ako. May ibang pamilya na pinapapunta ang mga anak nila para maging kaibigan ko o para maipagkasundo sa akin pero walang nagtagumpay dahil sa lamig ng ugali ko. Kahit sino ay hindi kayang tagalan si Farah. Bukod sa snob ang character ko ay talagang maldita. She's not a villain for nothing.
Ang hindi ko lang talaga alam ay kung ano ang nagtulak sa kanya para bumalik-balik dito sa amin gayong hindi ko naman pala siya pinapakisamahan noon. Maybe he's just really curious about me. Some guys are interested with mysterious girls though.
Ilang minuto akong nagpahinga, nakaidlip na rin sa sobrang pagod. Nang magising ako dahil sa init ay dumiretso na ako sa cr para maglinis ng sarili. I did every rituals that I needed to do.
Pagtapos ay lumabas na ako sa bathroom. Naabutan ko si Magrita na inaayos ang aking mga unan.
"Ayos na iyan, Magrita, salamat..." Tumungo na ako sa kama para doon na ipagpatuloy ang pagpapahinga.
"Goodnight, princess. Happy birthday." Aniya at inayos ang aking comforter.
Napangiti ako. I'm still lucky, kahit papaano ay nandito si Magrita para tulungan ako. Nararamdaman ko ang alaga ng isang ina sa kanya kahit na hindi kami oras-oras na nagkakausap dahil sa mga trabaho niya at dahil abala ako paghahanda.
"Goodnight..." Halos bulong kong sinabi.
Nakadungaw ako sa kanya at sinundan siya ng tingin hanggang makalabas. Nang wala na siya ay pumikit na ako para matulog pero hindi na ako makatulog!
This is so annoying! Kanina lang ay gustong gusto ko na matulog pero ngayong matutulog na ako ay hindi na ako inaantok! What am I supposed to do now, then?
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...