Vengeance
"Farah, fix your posture hija! Malapit na tayo." Ngumuso ako at inayos ang pag upo. Nasa loob kami ng karwahe dahil may pupuntahan daw kami. I honestly don't know where are we going to because I just got summoned by the queen.
Halos ilabas ko na ang aking ulo sa bintana para makita ang lawak ng aming lupain. Our region is divided into three realms. The imperial realm, noble realm and the low class realm, where Astrid is. Well actually not, because Astrid belongs to the low class nobles.
During my stay here, unti unti naman na akong nakapag adjust at pinilit ko rin naman 'yon dahil una sa lahat, tinanggap kong hindi na 'to panaginip. Wala na rin naman sense kung magpupumilit pa ako e tumatakbo ang oras dito. Wala na rin naman akong choice kung hindi mag adjust para mabuhay. I just need a better plan for it.
"Esme—Mother, where are we going?" Ugh! Hindi pa rin talaga ako sanay na tawagin silang mom at dad dahil una sa lahat ayaw ko naman talaga!
"Didn't I already told you about this?" Masungit niyang tanong. Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam e. Kulit din talaga nito.
"Well, I forgot..." sagot ko
"How could you forget, hija? We are going to the empire, the greatest family here to invite them to your party! So make sure to act extra elegant today. Even we're on the third rank, we can't fall behind! Mangunguna rin talaga tayo."
"Calm down, Esmeralda. Don't be in such a bad mood right now." Sabi ni emperor Dante, ama ni Farah.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at hindi na sila pinansin. I just want this day to end already.
Bumuntong hininga ako bago sumandal sa upuan at pinagmasdan ang mga taong nagtatrabaho. I remember my grandpa, we have a large farm in our province and I really love going there. Lagi akong sinasama ni lolo sa pagtatanim ng palay. I miss him so much, sana ay ayos lang sila.
Maya maya pa ay tumigil na ang karwahe, senyales na nandito na kami kaya naman mabilis kong inayos ang aking sarili.
Naunang bumaba ang aking ama at inalalayan na makababa ang reyna kaya sumunod na ako. I'm wearing a silk chiffon blue dress and a pair of white heels. Pinatungan din ng blue veil hat ang aking kinulot na buhok. I'm also wearing a set of pearl jewelries to complete the look. Simple lang ang ayos ko ngayon dahil natural naman na raw ang ganda ko. And that's true! Mukha kayang generated character si Farah.
Halos mapanganga ako nang makita ang napaka laking palasyo sa likod ng malaki at gintong gate. This palace is bigger than ours! At totoo kaya ang gintong gate na 'to? Para akong tanga na hindi makapaniwala sa nakikita.
Ang mga guard ay tinitignan ako kaya naman binigyan ko sila ng matamis na ngiti, namula pa ang isa kaya natawa ako. Ang cute!
"Good morning! Blessing upon the royal family of Sinclair." Napatingin ako sa matandang lalaki na nagsalita. "I'm Romano, the personal knight of the imperial family. It's an honor to meet you." Ang kanyang damit ay naiiba sa mga guard na nakasalubong ko at marami siyang badge! Para siyang leader ng boy scout.
Ang palasyo na 'to ay hindi hamak na mas malaki at mas maganda sa amin. Halos ginto na ang lahat ng gamit. Magkano kaya ang value nito ngayon kung isasangla?
Kung kasama ko lang si Magrita ay kanina pa kami nag gala rito kaso bawal daw siyang isama sabi ng reyna. Bakit kasi kailangan pa akong isama e nakakabagot naman! Bored na bored akong sumunod sakanila hanggang sa makarating na kami sa isang garden. Sa gitna nito ay may nakatayong victorian-inspired conservatory house! First time kong makakita nito in person at ang ganda.
Dumiretso lang kami sa loob ng garden house at bumungad ang isang mahabang table. Walang tao roon bukod sa amin.
"Please sit and be comfortable. I will be calling the masters now. Enjoy." The general knight.
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...