Almost there
Tahimik lamang akong nakatingin sa karagatan mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Mula nang makarating kami sa loob ay hindi na muli ako lumabas. Ilang beses din akong kinatok ni Raven kanina, ayaw pa nga akong tigilan at dinadaan ako sa sama ng tingin pero noong sinabi kong gusto ko muna magpahinga ay hindi niya na muli ako ginulo.
Narealize ko na ayaw ko munang makihalubilo sa kanya. Una dahil kay Esmeralda, dahil kung mabalitaan niya na sobrang ganda ng relasyon namin ni Raven sa isa't isa ay baka lalo lang siya mag assume, pangalawa at ang huli ay pakiramdam ko na may iba na akong nararamdaman para sa kanya.
Hindi naman ako tanga. Noon pa man, sa totoo kong buhay, ilang beses na akong nagkaroon ng crush at ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko. Hindi pa naman ako sigurado kung totoong may gusto ba ako sa kanya pero ayaw ko na iyon alamin pa at bigyan ng pansin.
Nakakainis! Wala naman 'to sa script, Farah! Maharot ka! Wala pa nga tayo sa climax lumalandi kana! Tsaka, si Claude ang gusto mo. Siya lang!
Sa inis ay pinalo ko ang aking hita at nilunod ang mukha sa mga palad. I'm so frustrated right now. Gusto ko na lang maglaho.
Pero paano kung... gusto niya na rin ako? Okay! Mag assume tayo para sa ating game plan. Kasi what if nga naman na ganon ang mangyari hindi ba? It's okay to be ready than never.
Kung siguro ay magustuhan ako ni Raven ang tanging paraan lang ay iwasan siya habang patagong tinutulungan si Astrid na mapalapit sa kanya. Tama? Tama! But...hay isn't that clichè? Every story ganon lagi ang naiisip na paraan.
Iwasan.
Bakit kasi wala na lang akong magical super powers para pwede kong ikulong na lang si Raven at Astrid sa iisang mundo e!
Pero dahil nga wala at magsisimula pa lang naman edi bahala sila. Habang ako? Ewan ko! Siguro mag hanap nalang ako ng ka-fling? Pwede. I mean para makita ni Raven na hindi ako interesado at hindi ako seryoso sa ganong bagay, para maturn off siya at isiping hanggang kaibigan lang talaga kami.
Pero, what if i-pursue ko si Claude? Siya naman ang gusto ko at siya ang gusto ni Esmeralda? Edi pag nag work yun edi maganda! Subukan ko ba?
Naubos ang buong araw ko sa pag ooverthink. Nang mapagod na ako sa pag iisip ay nag desisyon akong libutin muna ang barko. Puro studyante rin naman ang nandito kaya hindi ako mahihirapan. Tsaka para naman maenjoy ko ito 'no! Pangalawang beses ko pa lang makasakay sa barko tsaka alam kong maeenjoy ko ito dahil hindi naman story ng titanic ang pinasukan ko.
Bago ako lumabas ng silid ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking sarili mula sa malaking salamin.
"Magandang gabi! Ako nga pala si Farah." Sabi ko sa sarili. Nag pose ako ng kung ano ano at pinuri muna ang sarili bago lumabas. Kung ganito lang ako kaganda in real life baka gawa na sa salamin yung kwarto ko.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto dahil gawa lamang sa kahoy ang interior. Ayokong gumawa ng kahit anong tunog dahil katabi ko lang din ang kwarto ni Raven. Malakas pa naman ang radar ng tenga niya.
Isang pihit lamang sa pinto ay agad itong bumukas. Ngumiti ako dahil matagumpay akong nakalabas ng kwarto na walang ingay na ginawagawa.
"Where are you going?"
"Ay going!" Halos mapatalon ako nang bumungad ang seryosong Raven na nakasandal sa gilid ng aking pinto. Naka ekis ang kanyang braso at seryoso ang tingin sa akin. Sobrang tangkad niya talaga pag malapit siya sa akin! Nakaka intimidate. Nako h'wag po marupok ako.
"Nagulat ako! Ano bang ginagawa mo d'yan?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag ayos niya sa pagkakatayo. Hinubad niya ang kanyang itim na gloves.
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...