3

14.6K 369 13
                                    

Babysitter

Nakahalumbaba ako sa mesa dahil wala akong gana. Nandito ako ngayon sa kwarto at hindi ako makalabas dahil mataas ang lagnat ko mula pa kagabi! This is all Raven's fault, or should I call him Vengeance now?

Grabe, I still can't believe what Magrita told me last night! I encountered the male lead yesterday. Does that mean I messed up? In the original story, I was supposed to meet him inside the imperial school. This is so bothering me. Overthink malala talaga, and I know for a fact that it will affect the flow of the story.

"Mataas pa rin po ang temperatura niyo mahal na prinsesa kaya mabuti pang bilisan niyo na ang pag kain para makapag pahinga na po kayo." Sabi ni Magrita habang iniimis ang ilang kalat sa kwarto ko.

"I really want to go outside. Sobrang nakakabagot dito." Nagpapaawang sabi ko sa kanya pero umiling siya.

"Magagalit po ang reyna kung hindi kayo gagaling agad, lalo na't palapit na nang palapit ang inyong kaarawan. Magiging abala na po ang lahat sa mga susunod na araw para sa paghahanda." Sabi niya

To be honest, I'm really scared about turning 18, and it is something that I can't escape anymore. That's the time when the story officially starts.

During these past few weeks, I learned a lot of things, like how to perform self-defense using a bow and sword, and of course, using my experience with Raven as an inspiration. I took everything seriously, even studying the whole map of the country, the language, currency, laws, and rules, just so I could live alone and survive far away in the future. Kahit na alam ko na ang takbo ng story ay narealize ko na may mga bagay pa pala akong hindi alam, like sa history ng mga Heroux, that was a sudden twist that I didn't expect at all.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Inubos ko nalang ang porridge at ininom ang gatas at gamot. Pagtapos magpahinga ay bumalik na ako sa kama para humiga.

"Thank you, Magrita," Sabi ko.

Tahimik lang siyang lumapit sa'kin at inayos ang aking comforter. She's really like a big sister to me. Siguro ay mabilis akong naattach sa character niya ngayon dahil siya ang nag-aalaga sa'kin at siya ang una kong nakasama mula nang mapunta ako rito.

"Magpahinga kana at babantayan kita." Tumango lang ako at hindi na sumagot.

Ilang minuto ang lumipas at mabilis din akong dinapuan ng antok.

I really miss my real mom. Whenever I'm sick, she's the one who's taking care of me. Lagi niya akong dadalhan ng paborito kong pagkain at sasamahan. I really can't help it sometimes but to cry.

Basa at nag-iinit ang aking mga mata kaya naman dahan-dahan ko 'yong minulat. Bumungad ang madilim na kwarto, tanging dim lights lang sa magkabilang dulo ng room ang bumubuhay dito. I'm dreaming about my family again.

"Do you think you're some kind of sleeping beauty?"

Napasigaw ako nang may biglang magsalita. Isang boses ng lalaki.

"Quit shouting. Your voice is really annoying, you know that?" Binalot ko ang sarili sa comforter at hindi nagsalita. Ang alam ko ay si Magrita ang nagbabantay sa'kin! Bakit may boses ng isang lalaki? Panaginip din ba 'to?

Sinubukan kong sumilip ngunit masyadong madilim. Tanging anino lang niya ang nakikita ko.

"Sino ka? Why are you inside my room? I don't remember giving you any permission to be here. I-im a royalty." Matapang kong sabi. Bakit walang sumasaklolo sa'kin? Nasaan yung mga guard sa labas?

"Too bad, princess, but I don't give a damn if you're a royalty or not."

Sa sinabi niya ay mabilis akong lumabas sa comforter at sinubukan tumakbo pero mabilis niya rin akong naharangan.

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now