5

13.4K 316 5
                                    

Her

"What are you doing here?" rinig kong tanong ni Raven mula sa aking likod. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy pa rin ang paglalakad.
Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung paano siya kakausapin, isama mo pa ang pagwawala ng dibdib ko.

"And now you're ignoring me?" Tanong niyang muli. Gusto ko nang makaalis sa kanya! Yayain ko nalang kaya si Rud na samahan ako pabalik sa nayon? Tama, tama.

"Rudeus—huh?!" Nagulat ako nang lingunin ko ang gawi niya. Nasaan na napunta si Rudeus? Bakit wala siya? Alam kong kasunod lang namin siya kanina ah? 

"I ordered him to go back to the village." Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya. This bastard! Ang kapal naman ng mukha niya para utusan ang knight ko

"How dare you? He's my guard! Why would he take orders from you?" Inis kong tanong.

"Because I can." Tumaas ang kanyang kilay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaka yabang talaga ng lalaking 'to! Why did he even exist? Astrid, kunin mo na nga 'tong partner mo!

"Wag ka ngang mayabang, Ven—Raven!"

"Hm? Why aren't you calling me Vengeance? That's my real name. Diba gusto mong malaman ang tunay kong pangalan? You're that curious about me, right?"

"Hindi no! Kahit kailan talaga ang assuming mo." Umarte ako nang nasusuka na dahilan nang pagtawa niya. Ang happy niya ha?

"I see that the stupid princess of the Sinclair's still the same." Kahit na pinipilit niyang gawing seryoso ang kanyang mukha ay lumilitaw pa rin ang kanyang ngiti. Bahagya niyang tinakpan ang kanyang bibig at tumikhim bago ako inunahan sa paglalakad, mabilis niya akong nalagpasan kaya naman inis akong sumunod sa kanya. Wala na rin naman akong magagawa dahil nasa gitna kami ng kakahuyan, kung mag iinarte ako ay baka maligaw lang ako.

"Same as you. You're still a jerk who loves to insult me."

"And that mouth is still the same."

"Ano bang kailangan mo? At bakit ba masyado mong pinapansin ang lahat sa'kin ha?"

Grabe lang talaga. Mula noong nagsama kami sa palasyo ay parang lahat ng galaw ko ay alam niya. Gaya nang mga sinulat niya sa notebook na binigay niya sa'kin!

Don't be so nervous, you look stupid while dancing. Show more smile. Drop your bratty attitude. Walk gracefully. Lower down your voice when talking, quit shouting. 

at marami pang iba! Nakakahiya tuloy dahil ganun pala ang mga nakikita niya sa'kin. I'm really trying my best in becoming more of a princess but it's hard.

"I just want to know why you are here." Diretsahan niyang sabi habang patuloy sa paglalakad. Hindi naman siya mabilis pero mahaba ang legs niya kaya naman ang bilis kong naiiwan.

"Duh! Visiting and attending mang Pietro's birthday, of course." Halos tumatakbo na ako para lang maabutan siya. Hustisya naman sa'kin 'no!

Nawalan ako ng preno nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa'kin dahilan para tumama ako sa dibdib niya.

"Aw!" Inda ko. "Ano ba! Wag ka ngang tumigil basta basta." Reklamo ko at lumayo sa kanya para ayusin ang sarili. Ang gulo na tuloy ng buhok ko! At imbis na tumigil ay hindi pa siya nakuntento at pinitik pa ang noo ko. Sa sakit ay napahawak ako sa bandang tinamaan at tinignan siya nang masama.

"Don't give me that attitude."

"Nakakailan kana, Raven ha!" Nakabusangot kong sabi. Lintik lang talaga ang walang ganti. May araw ka rin sa'kin.

"Ang ibig kong sabihin ay bakit nandito ka sa nayon nila. Aren't they working for your family? Why did you choose to be here when you can go and hang out with other noble and royalties?"

Suddenly A VillainWhere stories live. Discover now