Feelings
"Waist measurement is 23... got it." Ngumiti ako sa designer na sinusukatan ako para sa gown na susuotin ko sa party.
"Do you have any suggestions regarding the colors and design, princess?" Tanong niya
"Uh, I just want it to be simple and comfortable to wear. Kayo na ang bahala sa disenyo" Tanging sagot ko.
At dahil wala naman na akong gagawin ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na sa dressing hall.
Ang lahat ay abala sa paghahanda habang ako naman ay nag-aalala. Ilang araw na rin ang lumipas after namin umuwi ni Raven galing sa Imperial School. After din n'on ay hindi na kami nagkita at hindi na rin siya bumisita pa. Kahit ang nayon din ay hindi ko pa napupuntahan dahil sa schedule ko kaya naman wala talaga akong balita tungkol sa kanya.Wala naman akong balak na puntahan siya o magpadala ng sulat kasi wala naman akong dahilan para gawin yun. Hindi naman din kami besties. Tsaka baka kung gagawin ko 'yon ay baka mag-assume pa siya at asarin ako! Feelingero pa naman siya minsan.
Uh, but I honestly miss his company. Well, not in a romantic way! It's just that I feel so bored because I'm alone again. Si Magrita kasi ay abala sa renovation ng kwarto ko. Ang aking mga magulang naman ay nasa kabilang bayan para sa isang pribadong pagpupulong.
Siguro kaya ko 'to nararamdaman ay dahil sa pagsasama namin. Our bond is not perfect and ideal, it's actually annoying but we had a lot of adventures together. May attachment na rin talaga siguro ako sa character niya mula nang magkita kami sa maling timeline. Kung siguro ibang character ang nakakasama ko ngayon ay ganito rin ang mararamdaman ko. So there's nothing special or anything about it! He's just a friend.
Ngumuso ako at sinipa ang bato habang naglalakad sa labas ng palasyo.
"Why do you look so down in the mouth?" Nabigla ako sa narinig at agad na hinanap ang pinanggalingan ng boses. Mabilis na naglakbay ang mga kuryente sa katawan ko nang makita si Raven na nakahilig sa puno habang nakahalukipkip. Speaking of the devil!
He's wearing a white pirate tunic tucked into his black Victorian trousers and a pair of black low-cut boots. He looks so good in his low ponytail. The combination of his waist-length black hair and his messy side curtain bangs is just superb! Ilang minuto pa ata akong natulala sa kanya bago bumalik sa reyalidad.
"Anong ginagawa mo rito?!" Gulat kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay at dahan-dahang lumapit sa pwesto ko. Ilang hakbang lang ay nasa harap ko na siya. Damn his long legs.
"Don't shout." Aniya bago pinitik ang noo ko kaya naman inis akong napahawak dun. "Aray!"
"I'm just paying you a visit, to see what're you doing." Cool niyang sabi.
"Weh? Ikaw ha!" Pinakitaan ko siya makahulugang ngisi sabay sundot sa kanyang tagiliran. Paying a visit, huh?
"What? I told you, I'm here to see you," pinutol niya ang kanyang pagsasalita pero ang mga mata niya ay nasa akin pa rin. Nagwawala nanaman ang sistema ko. "...and to tell you that I'm leaving." Ang kaninang masayang ekspresyon ko ay napalitan ng pagtataka.
Anong meron?
"Huh? What do you mean? Aalis ka na agad? Kakakita ko nga lang sayo e."
Nasapo niya agad ang kanyang noo sa aking sagot na para bang ubos na ang pasensya niya.
"Dummy. I'm leaving this country." Aniya.
"Nanaman?"
"Yes."
Ganun? May adventure nanaman siya? Nakaka-inggit!
"Eh? Bakit? Saan ka pupunta? Kailan?"
"I'll be attending a royal gathering. Hindi ko alam kung kailan ako babalik."
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...