Wish
"You'll stay inside my room." Ani Raven at binuksan ang pinto. Sa gulat ay agad akong napayakap sa sarili ko.
"What? Excuse me lang pero ayaw ko." Masungit kong sabi sa kanya. Sa reaksyon ko ay humarap siya sa'kin at pinagkrus ang mga braso. Now he look pissed.
"H'wag kang makulit."
"Hindi ako makulit! Ayoko lang talaga, as in, no!" Napapikit siya at hinawakan ang sentido. He's losing his patience, so am i!
And bakit ako matutulog sa k-kwarto niya? That means kasama siya diba? Hala! Hindi pwede! May Astrid ka na, Raven, kaya h'wag mo na akong balakin isama sa loob! Wala akong balak maging affair.
"You're overreacting!" He shouted.
"I'm not! How dare you? Basta ayoko na kasama ka!"
"Can you stop thinking about silly things? I won't sleep with you, okay? I'm just letting you sleep in my room for your safety." Pinakalma niya na ang kanyang boses. Ako naman ay natigilan lang sa sinabi niya.
"Prince Vengeance, the room is ready." Sabay kaming napatingin kay Yuan na kararating lang. "Good evening, Princess." Nahihiya lang akong ngumiti. Paano pa ako makakapag salita kung napahiya nanaman ata ako kay Raven?
"Go inside." Sa sinabi ng prinsipe ay mabilis akong tumango at dali-daling pumasok sa loob. Sinarado ko agad ang pinto at sumandal doon.
Can you please act normal, Farah! Why am I being so awkward and cringey around him? My gosh!
It's not like I assume that we're going to spend the night together, it's just that i can't help my self to act calm whenever Raven is around! I always tend to overreact. Damn it. Nawawala ako sa character ko.
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kanyang kwarto. Medyo madilim dahil sa dim lights, malaki at halatang kwarto talaga ng isang prinsipe. Napaka manly ng kanyang kwarto at sobrang linis. Mas malinis at maayos pa ata sa kwarto ko sa palasyo namin.
Ang bagahe ko ay nasa tabi ng kama niya kaya lumapit na ako roon para kumuha ng damit para makatulog na.
Sa mga sumunod na araw naming pananatili rito ay marami kaming ginawa. Raven never fail to entertain and keep me safe. Despite being so annoying, he always ask me if i'm okay, comfortable or enjoying. But as usual, hindi talaga mawawala ang pang-aasar niya. He loves teasing me so much! What do I expect? Mapayapang araw kasama siya? In my dreams.
Sa laki ng school ay umabot ng dalawang araw ang aming paglilibot. After non ay ginala niya naman ako sa labas ng school pero saglit lang.
Hindi ko na rin pala nakita si kuyang pianist. Baka natakot sa'kin. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makita. Nababaliw na ata ako.
Habang nag-iikot kami sa school ay minamata ko pa rin siya pero wala. He seems so nice and gentle kasi kaya siguro gusto ko siyang makita? Ewan ko! Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko na siya at friends na kami. Hay siguro ay assuming lang talaga ako.
After the school incident with that mysterious boy, Vengeance and I made up. Akala ko nga ay aabot pa kami sa suyuan pero buti naman ay hindi na. Kinulit ko siya kung bati ba kami at sinabi niya naman na 'oo' kaya may dahilan na ako para bumuntot sa kanya. Tsaka hindi ko pwedeng kaaway si Vengeance dito no! Baka sa inis ay iwan niya ako o itulak sa barko.
Sa naisip ay bumuntong hininga ako at tumingin sa lalaking kaharap.
Today's our last day. Since we're already done visiting and exploring the imperial school for almost three days is we decided to go home. Mamaya pa naman ang alis namin kaya naisipan kong yayain si Raven para kumain sa labas. This was supposed to be my thank you treat for him but he declined! Of course, I insisted, but he showed me some deadly stares, so I gave up. Ano ba ang magagawa ko?
YOU ARE READING
Suddenly A Villain
Teen Fiction[ Tagalog - English ] Cathy Salvatore, a girl who is a big fan of novels, died. And after that, all of a sudden, she got reincarnated inside her current favorite book. But the twist is, not as the main character and not even as any side character bu...