"Akala ko lang pala"

1.7K 22 3
                                    

Written by: gxbpxrxz
Akala ko lang pala
Akala ko ikaw ang itinakda
Yun pala ay hindi itinadhana
Naniwala sa sinabi mong "mahal kita"
Sabi mo ako'y di mo iiwan
Pero ngayon ako'y lubos na nasasaktan
Dahil ako'y umasa
Umasa sa pangako
Umasa sa mga pinagsasasabi mo
Pero sa huli ako'y pinaikot mo
Na para ba'y bola ako
Nakalimutan mo na ba ako'y may puso?
Nahulog ako ngunit walang nakasalo
Walang nagawa
Kundi ipikit na lamang ang mga mata
Sa mga nakikita
Sa tuwing kayo'y magkasama
Magkasama at tumatawa
Kung tignan mo siya kala mo'y siya ang mundo
Naaalala ko pa non nung ganyan pa tayo
Pero lahat nang iyon ay nag bago
Sana'y maging masaya kayo
Ng bagong mahal mo.

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon