Sa isang iglap
Naramdaman ko lahat
At tila ba ito'y di pa sapat
Minulat ko ang aking mata
Ikaw ang nakita
Sa harap ng altar kasama siya
Di ko na rin alam mahal
Isa ba tong masamang panaginip
Lahat ng pagmamahal sa puso ko nawala
Di ko mawari kung ang aking paa'y nakapako sa baba
Pero ito na siguro ang pinakamalala
Kaibigan ko pala ang siyang mapapangasawa
Sa pag tunog ng musika
Parang gusto ko nang makawala
Tumakbo
Kumawala
Tuluyang pumiglas upang makaalis
Dito sa rehas ng pag ibig
Mahal ayoko na
Ayoko na
Ikaw ang anghel na nagsalba
Ngunit ikaw din ang demonyong tumulak sakin pababa
Sa impyerno
Dahil sa pagmamahal ko.
Dugo na ang aking iniiyak
Babalik kaya?
Nasa bingit na ng kamatayan
Babalik kaya?
Sumalangit na ang kaluluwa
Bumalik ka
Pero ang oras hindi na maipipihit pa.How are you guys? Hihe labyu its been a while

BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoesíaJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~