Nagmamahalan
Nasasaktan
Ikaw nga ba ang itinadhana sakin?
Lahat ng pagsubok ay ating haharapin
Yakap at halik mo'y di ko mapigilang hanapin
Mga sandali na ika'y kapiling
Gusto ko lamang pakinggan ang iyong tinig
Ako nga ba ay minamahal mong tunay?
O ang iyong mga salita puno lamang ng kulay?
At sa paglipas ng panahon
Ikaw ay nawawala na saaking buhay
Sa pagkawala mo ako'y naging matamlay
Ang pag mamahal mo kasi'y sumablay
Mahal ano nga ba ang problema?
Ano ang wala sakin at nasa iba
At pinagpalit mo pa
Sana di na lang tayo pinagtagpo
Kung mabilis ka rin naman lalaho
At masasaktan lang din tayo
Pero eto ang sisiguraduhin ko sayo
Minahal kita at walang nagbago
Kahit na matagal itinago
Pero eto
Isisigaw ko sa buong mundo!
Mahal ko to!
Habang nakatingin sayo.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoetryJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~