Kape ☕️

605 5 0
                                    

Ano ba ang gusto mo?
Matapang na kaya kang ipaglaban?
O kasing tamis nating dal'wa dati
Pero,bigla akong nagising sa katotohanan
Na wala ka na saking tabi
Wala na bang itatamis ang pait ng kahapon
At ang pag ibig kong iyong itinapon
Sa simula'y mainit
Ngunit iniwan lang saglit
Ika'y nanlamig
At ako ay ipinagpalit
Sa pag gising sa umaga ikaw ang hanap
At kahit saglit KAPE-ling ka
At magkaroon ng panandaliang saya
Di ko na alam ang gagawin kung wala ka
Nagkamali ba ako ng timpla?
At ikaw ay nag sawa
Pasensya na
Naghanap ka pa tuloy ng iba.




Tula collab by me and fam hi kin! Kung nababasa mo to eto na yung tula natin HAHAHHA!

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon