Sa pag alis mo
Nandito parin ako
Sa pag alis mo
Lahat ay nag bago
Sa pag alis mo ako ay natuto
Sa pag alis mo ikaw parin ang mahal ko
Sa pag alis mo ako ay naiwang sawi
Sa pag alis mo
Mundo ko'y tumigil sandali
Ganito ba talaga ang epekto ng pag-ibig ? O
Ganito lang talaga ang epekto ng hindi mo pananatili ?
Sa pag alis mo
May tatlo akong gusto na malaman mo
Mahal ko paalam
Paalam na sa lahat ng ito
Sa mga bagay na hindi na muling maayos
Sa mga pangyayaring di na mababago
Paalam na rin saatin
Sa ikaw at ako
Kahit hindi naman naging tayo
Mahal ko salamat
Salamat sa lahat ng alaala
Na hindi basta basta mabubura
Sa pagmamahal mo't pag aaruga
Salamat dahil nakilala kita
Mahal pasensya
Pasensya na kung umalis ng ganon ganon na lang
Pasensya na at pinagpilitan ko pa
Pasensya na dahil ika'y minahal ko pa
Di sana tayo nasaktan ng sobra
Alam kong nahirapan ka na
Kaya bumitaw na lang bigla
Pasensya na dahil mahal ko'y ikaw pa
Pasenya na dahil hanggang ngayon nang gugulo pa
Pasensya na mahal
Wala na ang dating tayo
Wala na din ang ikaw at ako
Ang tanging natitira na lang ay ang alaala mo
Sana ako'y iyong mapatawad
Salamat at pasensya mahal
Paalam na.(A/N: hi guysss how are ya ahhaha by the way drawing ko po yung nasa pic haha panget eno)
BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoezjaJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~