Umagang kay ganda
At pag kasama ka ako'y masaya
Ako'y naglibot at ika'y nakita
At napatulala
Sa taglay mong ganda
Bigla mo akong tinawag
Ako nama'y lumapit
At nag tanong kung bakit
Hinawakan mo ang aking kamay
At sabi mo samahan kita maglakbay,
Maghanap,
Umikot-ikot,
Hinila mo ako at nagsimulang maglakad
Patuloy mo paring hawak ang aking mga kamay
Pinakamasaya tong saglit na to sa aking buhay
Tumingin ka sakin ay ngumiti
Biglang lumiwanag ang paligid
Ngunit kamay natin ay nagkahiwalay
Dahil tunay mong mahal ay dumating
At ako ay biglang nagising
Sa magandang panaginip
Dahil sa isang sakit
Na naidulot nito sakin
Pasensya na dahil kamay nati'y nagkadikit.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoetryJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~