"Sa Pagitan ng Tayo Ba o Hindi na."

1.7K 17 0
                                    


Kanina pa ako dito nakatayo nakatingin sa wala.
Wala na atang anghang yung pansit canton parang umasim na.
Lumamig na din ata yung kape,
parang tumigas na rin yung tinapay.
Hindi ko sigurado pero wala akong pakialam walang ibang pumapasok sa isip ko.
Ikaw lang.

Namimiss na kita eh.
Kailangan kong makita ang mukha mo hindi lang sa picture.
Namimiss kong katabi ka,
Namimiss kong kausap ka kapag ganitong nalulungkot
ako
Kung paano mo napapagaan ang pakiramdam ko kahit hindi mo naman talaga sinasadya.
Pero mas namimiss ko kung paano mo ako asarin.
Yung mga maliliit nating tampuhan, kung tutuusin wala naman talagang kwenta.
Mas gusto ko pang mag kaaway tayo kaysa ganito e.

Nasaan kana kaya?
Iniisip mo rin kaya ako?
Sino kayang pinapaasa mo ngayon?

Pero kasalanan ko rin naman hindi kita dapat tawaging paasa kung sa una palang ako na yung nag assume. Nilagyan ko kasi ng meaning lahat yung sabay nating paguwi yung kapag natutulog ka sa balikat ko kapag magkatabi tayo sa bus
Yung mga tinginan natin kapag wala na tayong mapagusapan habang kumakain tayo sa cafeteria
Masyado kasi akong kinilig sa pagoodmorning at sleeptight mo.
Masyado akong nahulog sa mga pafall na banat mo.
Lalo na't kapag ginigitarahan mo ako habang gumagawa tayo ng assignments sa bahay.

Akala nga ni mommy noon tayo na e,
hindi ko tuloy alam ang isasagot ko kapag tinatanong nya ako kung kamusta na ba tayo?
Kasi hindi ko din naman talaga alam kung meron bang naging "TAYO."
Yung pakiramdam ng nagmomove on ako,
Yung affected akong masyado kahit na hindi naman dapat kasi technically hindi pa naman ako nagpapalit ng relationship status sa facebook eh.
Pero bakit ganun hindi pa ako nagkakaboyfriend, broken hearted na ako.

Para akong tanga.
Yung umasa ako ng umasa yun pala nasa iba kana.
Yung akala ko may pagasa nauwi sa paasa.

Masyado kasi akong nakuntento kung anong meron tayo eh.
Yung alam kong may something tayong dalawa pero hindi ko nililinaw kasi baka masaktan lang ako.

May mga bagay kasi sa mundo kapag nililinaw lalong lumalabo

Kaya ngayon hindi ko alam kung ano nga ba talaga kita.
Hindi naman kita ex boyfriend pero may something eh.
So ano kita? Ex something?
Mabuti pa nga yung biglang lakad natin natuloy.
Pero yung biglang something natin, hindi.

Pero wag kang mag alala alam ko naman na wala akong habol sayo eh.
Gusto lang naman kitang makita.
Yun lang.
May mga bagay kasi sa mundo na kahit na hindi mo siya makuha, makita mo lang siya masaya ka na.

At darating din ako dun,
Sasaya rin ako para sayo.

Siguro kapag ... kapag nakababa na ako dito sa ereng pinagiwanan mo sa akin

Kapag ... nakapagmove on na ako dito sa relationship na sa isip ko lang naman nag exist.

Kapag ... nakaalis na ako dito sa malabong lugar na kinakatayuan ko ngayon

Dito, kung saan hindi ko alam kung mainit pa ba o malamig na yung kape.
Kung malambot pa ba o matigas na yung tinapay.
Kung maanghang pa ba on maasim na yung pancit canton.

Dito, kung saan hindi ko alam kung naging tayo ba o sadyang hindi lang talaga.

Dito sa pagitan ng tayo ba at hindi na.

-The Architect who lost her doctor

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon