Pano na nga ba ipapagpatuloy
Ang pagliyag kong tunay
Kung wala nga namang saysay
Dahil sa mga bagay bagay
Na hadlang sa atin
Na tila'y sobrang labo na ika'y maging akin
Kahit sobrang sakit para sakin
Ika'y aking papalayain
Unti unti
Hanggang sa tuluyang mawala
Sa tuluyang pagkakawala
Sa pagmamahal kong nakulong ang aking sarili
Paalam na
Sa "tayo" na ilusyon ko lamang
Sa araw araw na ako'y umaasa
Sa aking pagmamahal na inialay lamang para sayo
Pasensya,
Pasensya sa lahat ng aking nagawa
Na sa tingin ko lahat di tama
Pero dalawa ang aking nadarama
Taos pusong pagmamahal at pighati
Pero wala nang ibang nagawa kundi ngumiti
Pero higit sa lahat ng iyan
Tingin ko ikaw ang itinakda
Ngunit di tugma
Ang pag kikita at pagkakakilanlan
Ikaw ang tunay na mahal
Na natagpuan sa maling panahon
At sana'y magkaroon ng pagkakataon
Na magsimulang muli
Sa simula't simula
Mula sa una kitang nakita
At nakilala
Sa taglay mong ganda
Sinta.—

BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoesiaJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~