Mahal mo na ba siya?
Hindi pa.
Kayo na ba?
Hindi pa
Mahal ka na ba niya?
Hindi pa.
Mga sagot na gusto mong dugtungan
Nang mga salitang
"Pero gusto ko nga eh"
Pero lumipas ang panahon at
Nag iba ang mga tanong
Mahal mo pa ba siya?
Hindi na.
Kayo pa ba?
Hindi na.
Kaya mo pa ba?
Hindi na.
Isang letra
Ang pinagkaiba
Masakit sa pandinig ng iba
Magpapakatanga ka pa ba?
Hindi na!
Hinding hindi na
Ayoko nang masaktan pa
Dahil harap harapan pa
Ipinapakita
Sa madla
At nakakahiya
Iiwan na kita
Kahit na labag sa puso ko
Paalam na sa dating mahal ko.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pagmamahal
PoezieJust your typical hugot gaming i'm not really expecting anyone to read this but if anyone does please enjoy ~