"Okay na ako"

689 8 6
                                    



"Hi"
"Hello"
"Kamusta ka?"
"Okay nako. Bakit nagparamdam ka pa?"

Nasabi ko na ang paalam
Umiyak ng walang humpay na patawad
At napunasan ko na ang mga litratong basa ng luha
Tapos na.

Babalik ka pa?
Babalik pa? Uulitin nanaman ba natin sa umpisa?
Ibahin naman natin, umpisahan natin sa dulo
O sa pagitan ng mga kasinungalingan
Doon sa masasakit na senaryo
Sariwain natin ang lahat ng kalokohang
Pinagsaluhan nating dalawa.

Tandang tanda ko pa at hinding hindi ko malilimutan
Kasi sino nga bang makakalimot sa isang bagay na
Hindi napagusapan?
Nakatatak padin sa aking utak
Kahit na wala kang binanggit na mga salita
At ako itong antay ng antay ng katapusan
Na kahit kailan ay hindi naman naumpisahan

Ilang balde ng luha ang naipon ko
Para akong gumawa ng sarili kong bagyo
Tirik ang araw pero pakiramdam ko ay humahampas ang hangin
At lamig na lamig akong
nakahubad at basang basa
At pilit kong pinupulot ang pira pirasong parte ko
Nag aantay ako ng kasagutan
Kahit hindi naman ako nagbigay ng katanungan

Ako din naman tong si gago
Pumayag sa isang bagay na hindi sigurado
Walang kontrata o usapan
Basta masaya tayo, masaya ako
Masaya ako sa pansamanatala
Kasi nagumpisa tayong gusto ang isa't isa
At akala ko batayan at sapat na iyon
Para mahulog ako sayo

Sa kalagitnaan ay nanatili lang naman
Kahit batid ko na anumang oras
Maari at posible kang mawala
Magsawa, lumisan, at ako ang mahihirapan
Alam ko. Alam ko. Alam ko.
pero hindi ako handa
Hindi ako handa.

Hindi ako handa
Dahil nasanay ako
Nasanay sa mga palad mo,
Na kahit pasmado ay hinahawakan ko
Nasanay ako sa mga yakap mo,
Na kahit puno ng pawis ay hinahagkan ko
Nasanay ako sa mga pangako mo,
Na kahit puro kasinungalingan,
Ay pinaniwalaan ko

At hindi eto basta naging madali
Na tuwing gigising sa umaga tila maasim ang sikmura
Iniisip ka at masakit pa
Mga luha, ang pait na ipinapaalala ng bawat patak.
Nilamon na ako ng kaisipan ng ikaw
Imahe na pinaglunsaran ng pagmumuni-muni
Nakatatak sa aking utak
muling binabalikan at ginagalugad ang pinakatagong sulok
ng sisidlan ng alaala
Kinailangan kong umiyak ng sobra at
Kinailangan kong aralin kung paano ang huminga
Kahit wala ka na

Hindi naging madaling kalimutan ka
Dahil para kong sinusuntok ang hangin
Simula ng lumisan ka
Kinailangan kong mabuhay magisa
At ngayong bumabalik ka
Pakiusap

Tama na
Hindi mo ako pwedeng bigyan ng mga panibagong pangako
Na sa kalaunan ay mapapako
Hindi mo ako pwedeng hagkan at pagkatapos bibitawan lang
Huwag mo uli iwan ang lasa
Na hanggang ngayon ay nasa bibig ko pa
Huwag mo ko iwanan ng amoy
Na hanggang ngayon ay nasa mga balat ko pa

Ayoko na
Ayoko na balikan ang umpisa
Ayoko na mangako ka
Na hinding hindi nako iiwan
Kagaya ng sinabi mo noong nakaraan
Ayoko na
yayakapin mo akong mahigpit at
Isasayaw sa ilalim ng buwan
Hahagkan ang aking labi
Mahigpit na hahawakan
Nakalapat na mga daliri
Ayokong sariwain

Umpisahan natin sa dulo
lumipas na ang panahon
Hindi na maibabalik ang kahapon
Huli na
dahil
Bumalik ka sa panahong nakaalis nako

Nakausad na
Kamusta ka?
Okay nako.
Tapos na tayo.

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon