"Mundo"

231 0 0
                                    



Ako'y nag pasya na pamagatan itong tulang ito na mundo
Hango sa kanta ng aking mga iniidolo
Ngunit ang mensaheng nakalakip dito
Ay para lamang sayo sinta.
Hindi ko alam kung pano ito simulan
Ngunit aking susubukan
Na mailabas ang aking nararamdaman.

Mahal ano nga ba ang nangyari
Isang taon ay lumipas at di ko na mawari
Ang pagmamahal nga ba'y isang ilusyon na lamang
Ilusyon na bumulag saakin at nagtulak sakin lumaban
Lumaban para sayo at para saaking pag mamahal
Ngunit noong niyaya kitang sumayaw.

At ang aking puso'y nag uumapaw sa pagmamahal
Pinili mong basagin at durugin ang puso kong ikaw lamang ang panalangin
Simula nung araw na yun ay wala na ako ginawa kundi atupagin
Ang mag isip kung ano nga ba ang kulang saakin o bulagin ang aking puso mula sa aking mga ilusyon na hindi mangyayari
Na ipinalanangin kong matuloy man lamang kahit pa sandali.

Subalit sa kalagitnaan ng aking saya
Biglang naglaho ang ngiti sa mukha
Nang marinig ang iyong tinig na parang kutsilyo na tumatarak sa aking dibdib
Habang binabangit ang mga katagang "mayroon nang iba"
Niyakap mo kong bigla
Ginusto ko mang makawala
Sa bisig mo pero hindi na

Hindi na kaya
Nawalan na ng lakas ng loob para layuan ka
Wala na lang nagawa kundi pigilan ang luhang kanina pa nag babadyang dumaloy saaking mukha.

Eto na nga ba ang sensyales na ipinagkaloob ng Panginoon na tama na?
Pero paano kong magagawang limutin ka kung araw araw ay para akong pinaparusahan pa sa tuwing nakikita kita na masaya
Habang kasama siya
Dahan dahang ipipikit ang mga mata
Ngingiti sa kabila ng kirot at hapdi
Ng sugat na naiwan mo saakin
At tutuloy parin
Lilimutin ang lahat
Kahit di tayo magkasama
Susunod sa bawat galaw
Hinding hindi na maliligaw
At balang araw masasabi ko ring mundo'y NAGING ikaw.

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon