Ala una ng umaga

390 6 2
                                    

Ala una na ng umaga
Pero ako'y gising pa
Ikaw kaya?
Naiisip mo kaya ako?
O di kaya nagkakamali ako?
Siya ba ang nasa isipan mo?
Okay lang kahit masakit para saakin
Sakit ay aking tatanggapin
Hanap ng puso ko'y ikaw parin
Siguro kahit lumipas ang taon
Ikaw parin ay nandon
Sa aking puso
May espesyal na espasyo
Para lamang sayo
Kahit na mag karoon ng iba
Siguro nandun ka pa
Dahil minahal kita.
Eh ako kaya?
Nasa puso mo pa ba?
Mukhang hindi na
Kasi may mahal ka nang iba
Sabi mo rin naka move on ka na
Kaya di na ako magtataka pa
Kung sa puso mo ako'y wala na
Pasensya ka na
At nasaktan pa kita
Pero masaya na akong
Masaya ka na sa iba :)

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon