"Muling pagtatagpo"

388 4 0
                                    



Kamusta ka na?
Eto masaya na
Talaga nga ba?
Kay tagal na pala...
Simula nang ika'y mawala.
Ikaw parin mahal ko
May iba na ako
Mahal parin kita...
Pasensya ka na
Di na ba maibabalik pa?
Hindi na maari
Sakit sa puso ko'y di mawari
Ano nga ba ang gamot sa pusong sawi?
Baka ang iyong pag balik
Mga yakap at halik
Na nakakasabik
Na miss ko ang nakaraan
Na hindi na maibabalik
Baka naman ang sagot ay pananahimik?
Pakiusap ko sayo wag ka na sanang babalik
Sige kung ikasasaya mo
Ang pagalis ko
Sa buhay mo
Salamat sa pag mamahal mo
Nawa'y mahanap mo
Na ang mag mamahal sayo
Nang buong buo
Paalam na sa dating pangako
Paalam na mahal ko
Paalam na mahal ko.

(A/N: magandang umaga sainyong lahat kahit na may bagyo bukas di papatinag si author shout out sa mga walang pasok jan!)

Tula ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon