Special Chapter

213 7 4
                                    

Please read Miss54's story By Chance. Nandun ang character na si March Adrian Ralph Cabrera. :)

Bri's POV

March Adrian Ralph Cabrera!

=.=

Ang likot likot ng bata na 'toh. Seryoso. Sobrang kulit.

“Babe, pabayaan mo na. Highblood ka na naman”

“HOY, TOM DUA! Wag mo nga akong ma-babe dyan. Sapakin kita e.”

Isa pa 'tong lalaki na 'to. Ang kapal ng mukha. Kung i-babe ako, hindi naman kami.

“Oo nga, Dua. Wag mong i-babe yan pinsan ko. Masapak kita.”

Piningot ko naman ang tenga ng nagsabi nun.

“Aray, pinsan. Ano ba?”

“Hoy, March Adrian Ralph Cabrera! Wag na wag mo kong mapinsan ha. Ang kulit mo talaga na bata ka.” sermon ko sa pinsan ko.

“Pwede bang Adrian na lang? Pinahihirapan mo lang sarili mo. At magka-age lang tayo. Mas matanda nga ako ng isang month sa'yo.” supladong sagot nya sakin.

“I don't care kung ikaw ang mas matanda dito kasi the way you acted earlier parang 10 years old ka lang.” pasigaw kong sabi.

“Hindi ako bingi. Ang lapit ko lang sa'yo. And what do you mean the way I acted earlier? Wala ka nga sa tabi ko kanina.”

Tignan mo 'tong mokong na 'to. Tatanggi pa na nakipagaway sya. May pasa na sa mukha at nakita rin ni Tom.

“At idedeny mo pa ha? Ayan mukha mo evidence na yan na nakipagaway ka. Ano yan? Make-up lang ha? Early Halloween costume yan? Ha? Summer pa lang.” sabi ko.

At nagpipigil naman tumawa si Tom sa tabi ko.

“Wala ka ng pake dun.” sabi ni Adrian sakin.

“Meron pa rin akong pake, Adrian. Paano na lang pagpasok ha?” tanong ko.

“It's fine. You don't have to worry. Hindi naman tayo sa parehas na school mag-aaral.”

“Ano ngayon kung di tayo sa iisang school mag-aaral? Connect po? Ang sinasabi ko, ayusin mo attitude mo kasi hindi yan pwede sa school, okay?” taray kong sagot.

“Whatever,” sabi ni Adrian at sabay walk out.

“Oy, san ka pupunta?”

“Labas lang, mommy.” sarcastic na sagot sakin tapos tumingin kay Tom. “Oh, daddy, may sasabihin ka rin ba?”

“Wala, anak. Ihanap mo na lang din ako ng chick.” asar din na sagot ni Tom.

Nasiko ko naman sya nung sinabi nya yun.

“Bakit, babe? Selos ka?”

“Hoy, Tomato! Nakakasuka tawag mo sakin. Tigilan mo ko. Utang na loob.”

Ilan years na rin kaming magkaibigan ni Tom at hanggang ngayon, asaran lang kami. Pero ngayon araw na 'to, wala ako sa mood mangasar. Malaman nyo ba naman nakipagsapakan na naman pinsan nyo, may mood pa ba kayong mang-asar?

Hindi naman ganyan pinsan ko dati. Ang gentleman nga nyan sa mga babae kaya madaming may gusto dyan. Bukod daw sa gwapo at matalino, mabait pa daw. Kaso simula nung past event naging ganyan sya.

“Ito naman si Bri. Libre na lang kita ng food. Tara mag dinner. Saan mo gusto?” tanong ni Tom.

“Talaga?”

Hehe. Di pa rin ako nagbabago. Patay gutom pa rin.

Ay. Di ko pa nga pala nasasabi kung nasaan kami. Summer na kasi at naisipan ni Tom na isama ako sa resort ng Tito nya at dahil kakarating lang ng pinsan ko naisipan ko na rin pasamahin sya. Di ko naman alam na sakit lang pala sa ulo ang isama sya. =.=

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon