Chapter 39 (Part 1): Her Side

1.4K 18 8
                                    

Author's note: Nag promise ako na sa weekend ko iUUD pero madami kaming pinuntahan kaya ngayon na ako makakapag UD. And itong chapter parang ito yun side or point of view ni Bri nung last chapter. lolgets? Basta ieexplain ni Bri dito ang reason nya kung bakit nya sinagot si Jared.

Okay.

Alam ko na madaming gustong pumatay sa akin. Pero makinig muna kayo sa explanation ko. Sabi nga nila, there's two sides to every story.

At ito yun side ko.

Nung ininvite ako ni Tom para kumain sa bahay nila sa Friday ng gabi. Ganito reaction ko: OHMYGOD. assfgfdghljhjh. IZZ THIZZ REAL LIFEZZZ?!

Date diba yun?!

ehehehehehehe.

“Bakit ganyan ngiti mo?” tanong ni Jared.

Naging super close na din kami nitong si Jared. Super mabait, gwapo at athletic pero isa lang ang kulang sa kanya at yun ay di sya si Tom.

*sigh*

At nakakaturn off din sya kasi ang kulit kulit nya. Araw-araw ata tinatanong na nya kung kailan ko sya sasagutin. Hindi naman ako makasagot na hindi ko sya sasagutin as boyfriend kasi parang nakakaguilty diba?

Kung may nanliligaw sa’yo tapos ayaw mo naman talaga then tatanungin ka nga kung kailan mo sya sasagutin parang nakaka- gaaaaah!

=.=

Basta di ko alam ang nararamdaman ko ngayon.

Sensya naman. First time lang na may nanligaw sa akin.

“Uy, Bri. Dahil ba kay Tom yan ngiti mo?” tanong nya.

“Ha? Naku. Hindi ah. May naalala lang ako.” sabi ko.

Deny pa. Si Tom naman talaga.

“At dun ba sa naalala mo kasama ba dun si Tom?” tanong nya.

“Ha?”

“Bri, gusto mo ba si Tom?” nagulat ako sa tanong ni Jared.

Kapag ba sinabi kong oo, titigilan ba nya ko? At friends na lang kami?

“Ha?”

“Maglinis ka nga ng tenga. Pero may gusto ka ba kay Tom?” tanong uli nya.

“Uhm, oo?”

“Tigilan mo na yan imagination mo.”

Wait.

Wait.

Wait.

Imagination? EXCUSE ME?! Crush lang naman ah.

“Anong imagination?! Crush lang naman ah.”

“Good. Dapat mawala na yan kasi baka umasa ka pa,”

Matagal na kong naasa, Jared.

“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ko.

“Look, Bri. Alam ko na kinikilig ka ngayon kasi parang niyaya ka nya sa isang date at sa bahay pa nya pero kilala ko si Tom. Schoolmates kami diba? Way before ka pa nyang makilala and yun good side pa lang ni Tom ang nakikilala mo,”

“Jared, first of all, childhood friend kami ni Tom, okay?! And bakit ba galit na galit ka?”

Nasa tapat na kami ngayon ng bahay ko.

“Sorry, Bri. Nagseselos lang ako. Bakit ba ayaw mo pa akong sagutin?” tanong nya.

“Jared, kasi...”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon