Chapter 39 (Part 5): Too Young

805 10 7
                                    

This chapter is dedicated to patrisya_danis. Thank you sa pagcomment and pagbabasa mo ng Finding Him. Team TomBri ftw! ;)

--

“Bri, anak, papasok ka ba ngayon? Last day na ng intrams. Hindi ka pa rin ba papasok?” tanong ni mama.

“Ma, tutulog muna ko.”

“Bri, kasama din sa attendance ang pagpasok sa intrams kaya please, pumasok ka na? Bakit ba ayaw mong pumasok ha? Last week lang excited na excited kang pumasok ngayon naman...”

“Okay, okay. Papasok na ko mamaya. After lunch. Now, please, tutulog muna ko, mama?”

Ngumiti naman si mama. “Okay,”

Alam nya na ayaw ko ng sermon sa umaga kaya ginamit nya yun para umagree akong pumasok na.

-.-

Friday na ngayon and sabi nga ni mama kanina, last day of intrams na. Simula nung nalaman ko ang tungkol kay Jared and Kirsten, hindi na ako pumasok.

Tinago ako nina Harper at Brit kay Jared and si Tom naman pinipigilan ng mga lalaki kong kaklase na suntukin si Jared.

Umiyak ako pagkauwi ko ng bahay. Hanggang ngayon na iyak pa rin ako, di ko lang pinapakita sa mama ko kasi ayaw kong magtanong sya at malaman na may boyfriend..well, ex boyfriend..I don’t know. Hindi ko alam kung ano na kami ngayon ni Jared. Basta ang alam ko tumatawag sya sa phone ko pero iniignore ko lang.

“Grabe. Mukha ka ng si sadako dyan.”

Nagulat ako nung nakita si Tom sa kwarto ko.

“Masyado kang madaming iniisip, di mo na realize na pumasok na ko sa kwarto mo.”

“Ah, sorry.”

“Psh. Umalis na mama mo and sabi nya samahan ka muna daw. Mamaya ka after lunch papasok, right?”

“Yep. No choice. And, TOM DUA, bakit di ka na lang pumasok? Kaya ko ng magisa. Hindi ba ngayon ang last game nyo?”

“Relax. Mamaya pa din yun after lunch. Tumayo ka na dyan at maligo. Punta muna ko sa salas at maglalaro ako ng Wii nyo.”

“Bossy, much?” sabi ko.

“Nah. Love mo naman ako.”

“Harhar.”

“There you go. Natawa ka na. So, now go and maligo ka na.”

Wala na kong nagawa kung di sundin ang gusto ni Tom. Naligo na ko and nagbihis ng PE uniform namin.

“Hindi ka rin excited pumasok,”

“Shattap. Para kakain na lang ako ng tanghalian then aalis na tayo.” sabi ko.

“Excited ka nga pumasok,”

“Psh. Kasi baka malate ka at matalo team nyo sa game. Concern lang ako.”

“So, sinasabi mo na magaling akong mag basketball?”

“Hmm? Yabang.”

Tumawa na lang si Tom and hinanda ko naman yun tanghalian namin sa mesa.

“Yum. Gutom na ko.”

“Pray muna tayo, oy!” sabi ko kay Tom na kukuha na ng ulam.

“Ito na po.”

After namin magdasal, kinain na namin yun food and nagdiretso na kami ng school.

“BRI!” niyakap naman ako ni Harper.

“Hindi halatang namiss mo ko ah,” sabay tawa ko.

“Eeeh. Wala naman akong makausap. Si Brit, half day lang napasok. Ikaw naman buong intrams absent.”

“Sorry.”

“Okay lang yun. But ikaw ba? Okay na?” tanong nya.

“Actually, no. Pero..”

“BRI!”

Run. Yun yung unang pumasok sa isip ko nung narinig ko ang boses ni Jared na tinatawag ako. Pero pinigilan ako ni Tom.

“You guys need to talk. Before the game, dapat okay na kayo.” bulong ni Tom and umalis na sya kasama si Harper.

“But..”

“BRI!”

“Kung makasigaw ka parang bingi kausap mo. Oh, bakit?” tanong ko and pinakita ko talaga na galit ako sa kanya.

“Bri, pwede ba tayong magusap?”

“Ano ba ginagawa mo ngayon?” tanong ko.

“What I mean is, gusto kong makipagusap sa’yo yun tayo lang talagang dalawa,”

Tumingin sya sa paligid nya. And nakita ko rin na may tumitingin na din sa amin, mostly mga outsider ng school.

“Kung may sasabihin ka, dito mo na sabihin. Bakit ngayon ka pa mahihiya? Hindi ka naman nahiya nung humingi ka ng second chance at sinira mo by cheating on me, diba?”

“Wala na ba talaga? Sinira ko na ba talaga yun trust mo sa akin?”

“Kailangan pa bang tanungin yan?”

“So, is this goodbye Bri?”

“Again, kailangan pa bang tanungin yan?”

“I’m sorry. I loved you. But then I realized na yun love na nararamdaman ko sa’yo ay sibling love lang. Dumating si Kirsten and then dun ko talaga nalaman yun love na sinasabi nila. Hindi lang love as a friend. I’m really sorry, Bri. Bata ka pa. And yes, bata pa rin ako para dito. But si Kirsten..”

“Ang mahal mo,” tinuloy ko yun sasabihin nya.

“I’m sorry. Sana maintindihan mo na hindi ko naman sinasadyang saktan ka. And I hope mahanap mo na din yun para sa’yo. I hope hindi ako ang dahilan kung bakit di ka na uli ma-fall out of love. Goodbye, Brianna Cabrera.”

“Goodbye?”

“I didn’t lie about sa lilipat na ko ng school. I’m really going to transfer and dun na ko sa school ni Kirsten lilipat.”

“Goodbye, Jared Moore. Good luck sa inyo ni Kirsten.”

“Good luck din sa’yo.”

Tumalikod na ko matapos ang little scene namin ni Jared.

Sana nga, Jared. Sana hindi ikaw ang maging dahilan kung bakit hindi na uli ako magmahal.

I hate to admit it pero he’s right. We’re too young for this kind of thing.

We’re too young to fall in love.

--

Oh, guys? Ano? Wala na si Jared. TomBri ba talaga sa huli ng book? :)

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon