Chapter 21: Flashback and Amusement Park

2.1K 20 13
                                    

^___^

Saya saya ko ngayon. Haha.

Kahit na sinermunan ako ni mama kagabi. Mwahahaha!

Bakit ako nasermunan ni mama?

*flashback

“Yan. Ngumiti ka din.” sabi ni Tom.

“Oo na.”

“Oh ano? Tara na?”

“Tara na!”

Tapos naglakad lang kami. Ang una namin pinuntahan ay yun circus. Nanuod lang kami nun. Ganda naman. Nakaka wow ang performance nila. :D Tapos, may mini concert kaming pinuntahan. Nag request si Tom ng kanta. Kinanta nila yun What Makes You Beautiful by One Direction.

“Tom, ano yun One Direction?” tanong ko.

“Haha. Di mo sila kilala? Band sila.” sagot ni Tom.

“Ah.”

Ganda naman ng kanta nila. Sige. I-search ko mga songs nila pag uwi ko.

Wait.

“Tom, sinabi mo ba kay mama na nandito tayo sa amusement park?”

“Sinabi ko sa mama ko. Tapos sabi nya, magtext na lang daw ako kapag susunduin nya na tayo.”

“Eh sa mama ko?”

“I’m sure sasabihin naman yun ng mama ko sa mama mo.”

“Okay,”

Tapos, sumakay na kami sa mga rides. Ang una namin sinakyan ay yun, frisbee ride, yun position namin naka circle tapos nag-swiswing ng pendelum-like motion. Nakakahilo. Buti na lang di madami nakain ko. Kundi baka nagsuka na ko. Then nag balloon race kami, yun naikot sya then tataas ng konti at mag-titilt din. Wahaha. Fun.

“Tara mag bumper car.” yaya ni Tom.

“Ikaw na lang.” sabi ko.

“Wait. Takot ka sa bumper car?”

“Ano..hindi ah!”

“HAHAHAHA. Ibang klase ka din. Nakasakay ka ng frisbee ride ng di nagsusuka pero bumper car lang natatakot ka na?”

“Eh..kasi..ano..hindi naman sa natatakot ako. Pero nagkaaksidente ako sa bumper car dati pa.”

“Don’t worry. Trust me. Nandito lang ako.” ngumiti sya.

TIGILAN MO NGA ANG NGITI NA YAN. Natutunaw ako. :”>

Hala. O__O

Hahaha. Siguro nahilo ako sa rides na sinakyan namin kaya kung ano ano na sinasabi ko.

Sumakay na nga kami ng bumper car. Sya yun nag drive. Wahaha. Tawa lang ako ng tawa habang nagriride. Then bumaba na kami.

“See? Di naman nakakatakot.”

Hinalikan ko sya sa cheeks. “Thank you.”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon