Chapter 19: Brianna's Bakery Shop

2.1K 14 7
                                    

Haaaay.

Nakakapagod talagang mag aral.

Lalo na pag Math.

“Tom, gutom na ko.” T^T

“Kumain ka.” sabi nya.

Ang galing talaga ni Tom. Di ko yun naisip ah. *sarcasm*

-_-

“Eh gusto ko ng cake. Wala naman cake dito sa bahay. Samahan mo na lang ako sa shop namin. Madaming cake dun. Libre naman yun. Don’t worry. Dali na. Please. Sige na, Tom.” poke lang ako ng poke kay Tom.

“Bri, tumahimik ka nga dyan. Nagaaral pa ko sa Foreign Language namin e.”

“Mamaya na yan. Di ka ba napapagod? Sige na. Masarap kaya ang cake. Please?”

Gutom na talaga ako. T^T Ayoko naman mag isa pumunta sa shop namin kahit malapit lang dito. Malalakad mo naman. Siguro mga 10 minutes walk lang. Kaso tinatamad akong mag isa lang maglakad. Broing kaya pag mag isa lang. Kapag napunta ako sa shop lagi akong may kasama. Kaya ko niyayaya si Tom.

At yun shop namin ay bakery shop. Madami talagang sweets dun. Mahilig talaga kami sa sweets. ^__^

“Fine. Nakakainis ka naman. Ginugutom mo ko.” sabi ni Tom.

“Yun nga yun point para samahan mo ko. Let’s go na! Yey!”

Ayun. Naglakad na kami papuntang shop.

Di pa nga pala kami nakain ni Tom ng tanghalian. Diretso kasi kaming aral. Masipag kasi kami.

“So, ano nga?”

“Ha?” tanong ni Tom.

“Ibig kong sabihin, di mo pa ba nararanasan mag 'cutting class'?” tanong ko.

“Hindi pa. Hindi kasi ako kagaya mo na di mahalagang mag aral. Na okay lang kahit pasang awa ang grade.”

Wow. Actually, parang baligtad kami. Kasi si Tom mukhang may pagka bad boy yun dating nya pero pag nakilala mo may pagka nerd din pala. Ako naman parang 'innocent' *daw* na babae lang pero di mo aakalain na kabilang ako sa bad girl sa school namin.

“Hindi halata sa itsura mo, Tom.” sabay tawa ko.

“Yeah. I get that a lot.” sabi nya.

“Anyways, maaarte ba mga tao sa school mo?”

“Normal sila.” sabi ni Tom.

Ano ba yun? Ang weird ni Tom sumagot. Pwede namang oo at hindi lang. Pinagugulo lang nya ang usapan. -_-

“Anong normal? Oo or hindi lang naman ang sagot.” sabi ko.

“Ito na ba yun shop?” tanong ni Tom nung tumigil kami sa harap ng napaka makulay na shop.

“Malamang. Ayan nga oh. Nakalagay Brianna’s Bakery Shop.”

“Ikaw nagpapatakbo dito?” tanong ni Tom.

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon