Chapter 39 (Part 2): I hate you TOM DUA!

1K 12 2
                                    

This chapter is dedicated to RochellePanal. Thanks for the comments and votes. :)

Sorry for the late UD. :( Blame school and life

--

And I am officially Jared’s girlfriend.

Saturday ng umaga pagkatapos kong kumain ng breakfast kay na Tom, hinatid nya lang ako palabas. Hindi man lang nya ako kinausap. Anyare dun?

Wala man lang text galing kay Tom pagkauwi ko ng bahay puro si Jared yun katext ko buong Saturday at hanggang ngayon Sunday.

Sinabi ko kay Jared na secret relationship lang kami, ibig sabihin hindi dapat malaman ng kahit kanino sa school or ng parents namin.

“ANO?! KAYO NA NI JARED?!” sigaw ni Mia sa phone.

Okay. Ako na madaldal. Eeeh. Bestfriend ko naman.

“Wagas lang kung sumigaw.”

“Yun totoo, Bri? Lumipat ka lang ng school, tatlo ng lalaki may gusto sa’yo.”

“Anong tatlo?! Isa lang.”

Naks. Kapal. Tanggap ko talaga na gusto ako ni Jared.

“Eh si TOM?! At yun si..uhmm. Wait. Dalawa nga lang. lul.”

“Excuse me, noh?! Hindi ako gusto ni Tom. Friends lang tingin nun sa akin.”

“PWET MO! Kaya ka nga nya ininvite nung Friday para sa kanila kumain kasi itatanong nya kung pwede kang maging girlfriend. Natulog ka naman agad. Hay naku! Antukin ka talaga kahit kaylan. Oh sige. Bye na! Kakain pa ko. Ba-bush!”

=.=

Tignan mo yun babaeng yun matapos akong sermunan binabaan lang ako ng telepono.

Natulog na din ako kasi gabi na. Ang ganda ng dahilan ko, noh?

 ...

“BRIANNA! GUMISING KA NA DYAN KUNG AYAW MONG MALATE!” sigaw ni mama.

=.=

Sermon na naman ‘to. Tinanghali na kasi ako ng gising. Eh, lowbat phone ko kaya walang ma-alarm clock.

Naligo, kumain at nagbihis na ko then off to school na naman.

“OMG. Totoo ba?” biglang bati ni Danielle.

“Ha?”

“You and Jared are together?”

Nanlaki mata ko dun. Paano nalaman ni Danielle yun?!

“How did you--?! But--? I mean..”

“Jared told me. I was chatting with him last night.” sabi ni Danielle.

ANO?!

Akala ko ba naintindihan ni Jared na SECRET lang na kami?! ugh.

Bago pa ako makausap ni Harper at Brit, pumasok na ang adviser namin at nagsimula na ang assembly.

Then homeroom.

...

Then classes.

Computer ang subject namin. And ibig sabihin, pupunta kami sa computer class.

Pagkapunta namin ng computer lab, wala pa si Sir dun kaya naupo lang kami sa sarili namin assigned computers.

“Hey, Bri. Are you and Jared together?”

“Yeah. Are you guys together? Because he was smiling like an idiot since a while ago.”

Tanung nung dalawang kaklase ni Jared. Bakit sila nandito? Aba, malay ko.

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon