Chapter 16: My goal this month...

2.2K 17 7
                                    

Ayan. Lumipas na nga ang January at February na.

Obvious naman na February na ang kasunod diba? >.<

Oops. Sorry kung mainit ang ulo ko.

Eh kasi naman pasa ako sa entrance exam ko sa HurstBridge. Kaya ayun wala ng sinabi si mama kung hindi dun na lang daw ako pumasok. Tapos kapag tumatawag si papa yun din ang sinasabi nya na maganda daw sa school na yun...blah blah blah.

Nakakarindi na. -____-

Anyways, malapit na ang last periodical test namin. Pag na tapos na yun, practice na lang sa graduation namin.

“Hay. Next week na ang periodical test natin. Grabe. Bilis ng araw.” sabi sa akin ni Mia.

Nandito kami ngayon sa likod ng gym. Wala. Tambayan na namin ito. And nag cut na lang kami ng classes namin after recess. Nakakatamad e. wahahaha. Kids or teens or kung sino man na napasok pa, wag nyo kaming gagayahin.

“Oo nga e. Ipagbabawal na naman ang internet sa akin.”

“Hahaha. Kaya natin ‘to. Eh saan ka ba magaaral for high school, Bri?” tanong ni Lizzie.

Psh. Si Lizzie pa. Lagi naman positive thinker yan.

“Ewan.”

“ANONG EWAN?! DITO KA PA RIN MAGAARAL.”

Aray. Kung makasigaw naman si Mia. Bingi na nga ako sa pagkulit sa akin nina Mama at Papa tapos sya din sisigawan ako.

“Eh nakapasa nga diba ako sa entrance exam sa HurstBridge. Kaya ayun wala ng nalabas sa bibig ng mama kundi 'Dun ka na magaral sa HurstBridge'.”

“Hahaha. Di ka naman papasok dun. Duh. Di mo kami kayang iwan. At mas masaya dito. Maarte kaya mga tao dun.” sabi ni Lizzie.

Hanep. Ang positive thinker talaga nito.

Pero tama naman sya, mas gusto ko dito. At madaming nagsasabi sa akin na maaarte daw talaga napasok dun.

Mayayaman kasi. Pero di ko naman majujudge sila agad na maaarte. Hello? Di ko naman sila kilala in person.

May kilala naman ako dun. Si Tom. Sa kanya ko na lang itanong kung maaarte nga ang mga tao dun.

“Ano ba yan ngiti mo, Bri? Nakakatakot.” sabi ni Mia.

“Psh. Maganda kaya ngiti ko.”

“Hindi kaya. Yan ngiti mo kaya parang ang itim ng balak mo. Ano ba iniisip mo ha?” tanong ni Mia.

“Si Tom kasi...”

“Yun yun oh.” sabi ni Lizzie.

“WAAAA! TOM. Anong balak mo kay TOM ha?! HOY BABAE KA. Bata pa kayo.”

Bingi na ko kay Mia. At ang green minded nya masyado. -.-

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon