Chapter 34: Readers, I give you TOM DUA's POV *clap**clap*

2K 20 9
                                    

This chapter is dedicated to STuPidGIRLx. Thank you sa comment mo. Salamat talaga. :)

Warning: Hindi ako magaling sa POV ng boys so free kayong magturo ng mali or turuan ako kung paano pa pagandahin ang POV na ito.

--

Tom’s POV

Hi. Ako nga pala si Tom Dua.

Mabait *daw* ako.

Gwapo *daw* ako.

Matalino *daw* ako.

Talented *daw* ako.

Sabi nila, lahat daw ng gusto nyo sa isang lalaki nasa akin na.

Psh. Hindi totoo yun. Kasi kung nasa akin na ang lahat bakit yun gusto ko na si Bri hindi naman ako gusto. Tingin lang sa akin bestfriend.

“Tom, go to the library and tell your classmates to go back here in the classroom.” sabi ni Miss Doris.

Kakatapos nga lang pala ng First Friday Mass namin and ang iba namin classmates na hindi Catholic nagsta-stay sa library habang kami naman nasa hall para sa mass.

Habang naglalakad ako papunta sa library, iniisip ko ang cure sa cancer. Deh joke lang. XD

“WAAAAAAAAA! It’s you. It’s you!”

Ha? Ako ba tinutukoy ng babae na ‘to?

“Hi. Hi. Hi.”

Unli ba sya?

Bakit paulit ulit?

“Uh, hello?” sabi ko.

“OMG. OMG. OMG. So, you remember me?”

Remember? Ha?

“I’m sorry but no. Who are you?”

“I’m that girl. That girl..”

Yes. As if naman ‘that girl’ maalala na agad kita. -__-

“I’m sorry but I have to go to the library.” excuse ko sa babae.

“But...waaa...” T^T

Naiyak na sya.

WHAT?! Bakit sya naiyak.

“There, there,” pinat ko yun ulo nya.

Tatawanan lang ako ni Bri kapag nakita nya kong ganito. Ang awkward naman nito.

“But..I’m that girl. You know, the one that you flirted...”

Flirted? WTH?

“Sorry, but I really have to go.”

“You forgot me.” T^T “But I’ll let you remember me. Oops, I have to go. I’ll be late for my class.”

“Okay. Bye.”

Dinalian  ko ng pumunta sa library. Nakakatakot yun babae na yun. Pero parang nakita ko na nga sya dati. Actually, dalawang beses ko na ata syang nakita.

Hmm...

“Hey, Tom!” bati ni Harper.

“Hey!” bati ko din sa kanya.

Si Harper. Bestfriend ni Bri and para ko na din little sister. Boto sya sa TomBri.

Sinabi ko na din sa mga classmates ko and sa ibang students na pwede ng bumalik sa classrooms nila at tapos na ang mass.

“What happened?” tanong ni Harper.

“What?”

“Mukha kang natatakot,”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon