Chapter 33: Goner.

2K 24 8
                                    

This chapter is dedicated to MikaJulianneStaAna. Thank you so much sa pag vote and sa comment mo. I can't believe na inabot ka ng umaga para basahin ang FH. Thank you so much. Really appreciate it. :D

--

Tuesday.

“Good morning, Bri!” ^____^

Ang saya ah.

“Good morning!” bati ko din kay Tom.

As usual, nag usap na naman uli kami ni Tom.

“So...anong name nung girl?” tanong ko.

“Ha?”

“Yun girl..yun ano..ugh nevermind.”

“Okaaaay. Well, I just want to tell you na proud ako sa’yo kasi nakapagbyahe ka ng magisa.” ^___^

“Ahahaha. About that, hindi ako nagbyahe kahapon e.”

“Ha? Eh paano ka nakapunta ng bahay, wag mo sabihin nag teleport ka?! Niall Horan, ikaw ba yan?”

About sa comment nya na Niall Horan. Parang inside joke namin yun, kasi sa Gotta Be You na music video lahat ng boys except si Niall may gamit na transportation papunta ng camp while si Niall naman basta na lang  dumating dun. Teleport daw sabi ni Tom. Malaki din imagination ng akin TOMato.

Yan ang gusto ko kay Tom e. Hindi naman sya masyadong fan ng 1D pero hindi nya iniinsult ang 1D kasi gusto ko. May rule kasi kami na kahit na di kami magkasundo sa isang bagay, bawal iinsult yun ‘bagay’ na yun. :)

Kaya love na love ko yan TOMato ko.

“Hinatid ako ni Jared pauwi.” ^__^

“May homework pa pala akong di nagagawa. Sige. Alis na dyan.”

Nag iba na yun expression ni Tom. Hindi na masaya kagaya kanina, ngayon parang galit na.

“Tulungan na lang kita sa homework mo,” sabi ko.

“Hindi na. Alis na dyan. Kausapin mo si JARED.” =.=

Ohmy. Kaya pala biglang nagalit si Tom.

Ang ulyanin mo talaga, Bri. Diba nga parang crush ata ni Tom si Jared? Dapat di mo sinabi na si Jared ang naghatid sa’yo sa bahay.

Nababaliw na din ako. Sermunan ba naman ang sarili?

“Uy, Tom. Wag ka ng magalit. And dapat nga ako ang magalit sa’yo kasi tinago mo sa akin,”

“Ha? Anong..tinago..wala akong tinatago ha,”

Whoops. Huli na. Nagstu-stutter na si Tom. Ibig sabihin, may tinatago nga sya. At yun ay ang kanyang gender.

“Sus. Deny ka pa dyan. Don’t worry. Tanggap ko naman.”

“Tanggap mo?! Talaga? Ano ba yun? At si Harper ba may sabi sa’yo?!”

WHAT?! Alam ni Harper?! So, siguro yun sinabi ni Harper about sa may gusto si Tom sa *blank* ay cover up lang. -___- Ang dali ko talagang mauto.

“Nope. I guessed it myself. Ang easy kasing mahalata. But, don’t worry. Your secret is safe with me.”

“If you know it then say the three words,” sabi ni Tom.

Ha? Anong three words pinagsasabi nito?

“What? Oh, okay gets. You are gay. Yun ba?”

“GAY?! What are you talking about?!” namula si Tom.

“Hey, no need to deny it. I mean, kaya ka nagagalit everytime nalapit or nasasabi ko ang name ni Jared kasi you’re jealous na agawin ko sa’yo si Jared. Don’t worry, iyo na sya.”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon