Chapter 5: God Made Man. Man Made Math. Math Made Man Mad.

2.4K 15 5
                                    

Yay! Saturday na. Kaso kailangan ko tapusin lahat ng assignments ko ngayon kasi bukas wedding na nga pala ng pinsan ko. :D At abay ako tapos gabi pa yun at tutulong pa ako magprepare sa umaga so di ko na magagawa mga homework ko bukas. Kaya ngayon na.

Inuna ko muna ang pinaka madali na subject, English. Tapos Math na.

=.=

Di naman ganun kahirap Math namin pero grr.

Nakakatamad mag isip ngayon. =.=

Maitanong nga sagot kay Lizzie.

|Lizzie, alam mo ba sagot sa page 25 yun number 4? Sabihin mo naman sa akin ang sagot. Please? Text back. TY.|

Tagal magreply ni Lizzie. Makapunta nga muna ng kitchen at makakain ng merienda.

Todo linis ngayon si mama kasi darating ang dalawa kong pinsan. >:D<

Si Audree at Claire. Sila yun pinsan ko. Mga babae sila. (Obvious naman sa names, diba? haha) Si Audree kasing age ko lang kaso mas matanda ako ng ilan months. Si Ate Claire naman fourth year high school.

Dito sila sa amin natulog kapag napunta sila dito. Taga Bataan pa kasi sila.

Kumain na lang ako ng nutella at bread at uminom ng juice.

Sarap naman ng nutella.

|Sorry. Wala ako sa bahay e. At bukas ko pa yan gagawin.|

=.=

Itetext ko sana si Mia kaso naalala ko di pa nga pala kami nakikipagusap. Kahit na nag GM ako kahapon, hindi naman sya nagreply.

I miss Mia. Aish. Ma-itext na nga lang sya pero baka naman kasi..ugh.

Sabi ko pa naman sa sarili ko, ipapaliwanag ko sa kanya ngayon. Ugh. Bakit kasi bigla akong nahiya?!

Si Trina na lang itext ko.

Kahit na minsan nakakainis sya. Nakakatulong naman sya sa homework ko lalo na sa Math. ^___^

|Trina, sagot sa Math yun sa page 25 number 4? Text back. Thanks.|

Binaba ko na phone ko at tinry sagutan ang ibang questions sa Math pero wala pa rin talaga e.

-_____-

Ano ba? Brain mag work ka. Bakit pag tungkol kay crush alam mo lahat?! Pero pag sa homework na. Waley na. Anobayan?! Nagiging bading na babae na ko. DAHIL SA MATH. haha.

|Trina?! Pinagsasabi mo dyan. Na wrong send ka ata?|

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon