Chapter 38: I love you more...

1.6K 29 28
                                    

Sorry. Ngayon lang makakapag UD ulit. And I'm sad to say na, malapit ng matapos ang Finding Him. Ang next chapter (Chapter 39) ay may 5 or more parts. Expect the unexpected dito sa chapter 38.

Tom’s POV:

Dismissal na.

Ako sana ang maghahatid kay Bri ngayon kaso naunahan ako nung Jared na yun.

Tsk.

Tinawagan ko si mama while pauwi ako ng bahay.

“Anak? Nasa meeting ako. This better be an emergency.”

*gulp* Galit si mama. Bakit nga uli ako napatawag?

Ah, para nga pala sa Friday.

“Mama, kasi..ano..magpapatulong sana ako sa pagluluto. Ipagluluto ko kasi si Bri on Friday night.” sabi ko kay mama.

“Ah, yun lang pala... WHAT?! omg. omg. Okay, uuwi na ko ng bahay ha.”

“But meron ka pang meeting, mama.”

“My secretary can handle it naman. Mas importante na matuto kang magluto. Sabi ni Tita Ingrid, masarap daw magluto si Bri kaya dapat mas masarap kang magluto para may pogi points ka sa kanya. Oh sige. Bye na!”

=.=

Pogi na ko. Di ko na kailangan ng pogi points.

Pagkauwi ko ng bahay, nagpalit na ko ng damit ko at ginawa muna mga assignment ko. Antagal kasi ni mama.

“Tom! Halika na. Tuturuan na kita magluto.” sabi ni mama.

Time to learn how to cook. ^___^

Pagpunta ko ng kitchen >> O__O

Ang daming cooking utensils na binili ni mama. Kaya siguro ang tagal nya bumalik ng bahay.

“Bago tayo magsimula, dapat natin munang alamin ang favorite food ni Bri.” sabi ni mama.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano kasi talagang sineryoso ni mama ang pagtuturo ng pagluluto sa akin. Nakasuot pa talaga sya ng chef na outfit. =.=

Bahala sya. Pinapahirapan lang nya sarili nyang maglaba. Puting puti tapos kapag nadumihan naman...

Teka. Hindi naman chef si mama ah? San nya nakuha yan?

“Ma, saan nyo naman nakuha yan suot nyo?”

“Sa mama ni Bri,” ^__^

=.=

“Ano naman trip yan, ma? Nagpapatulong ako magluto para kay Bri, hindi para umattend ng culinary class.”

“Ah. Basta. Tutulungan kita ng suot ito or hindi kita tutulungan. Ikaw bahala mamili.”

“Okay. Sige na.” =.=

Sinabi muna sa akin ni mama ang nakuha daw nya na information tungkol sa mga gustong pagkain ni Bri.

And. I’m guessing sa mama ni Bri nya yun nakuha.

Ito nga pala ang mga favorite food ni Bri: vegetable salad (kaya siguro yun din ang sinerve nya kay Tita Ingrid), caldereta, ice cream (halata naman), cookies at kung ano pang sweet na pagkain, chicken at TOMATO.

Kaya si mama todo sugo sa assistant nya para mag research ng mga ingredients na dapat bilhin nya sa supermarket.

“Okay, first tuturuan kitang gumamit ng mga kakailanganin natin utensils. Nasan ang notebook and pen mo?” tanong ni mama.

Teka. Cooking utensil ba ang pen and paper?

“Ha?”

“Aba. Dapat nag tatake down ka ng notes.”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon