Chapter 2: Meeting her

4.4K 134 5
                                    

Drafted: Aug 02, 2016


Chapter 2: Meeting her

Day passed at pinag usap ang ng yari between me and Troy. As usual hindi nawala ang mga bashers. Ano bang magagawa ko sabi nga nila if you are in politics you are public's property. You are open for criticism. Pero minsan hindi na criticism ang ginagawa nila eh. Bullying na. Pero hindi ko na lang pinapansin I am the president of the University Student Council.

Pero minsan hindi ko maiwasang mainis. Alam mo yung people always expect you to explain yourself to them as if you owe them an explanation. Kasi pag wala guilty ka at pag sumagot ka naman sa kanila mayabang ka.

But I don't care. I am their president and I don't owe them any explanation. Bahala sila sa gusto nilang gawin.

"Ang aga aga naka busangot nanaman yang mukha mo?" rinig kong sabi ni Sab kaya napa angat ako ng tingin

"It's nothing." Sabi ko saka isinara yung laptop ko

"You should stop reading those comments." Komento nito saka nag lapag ng bottled juice sa harap ko "Hindi ka na nasanay sa mga yan."

"I just ready it." Walang gana kong sabi saka tumayo at naupo sa kaharap nitong upuan sa tapat ng lamesa ko "at wala akong paki alam sa mga sinasabi nila."

"Bakit mo binabasa?"

"I just wanted to know." Sagot ko saka uminom sa binigay nitong bottled juice

But honestly it affected me. Pero anong magagawa ko. I am the president and I have nothing to do but to take the blows of the student.

Pag angat ko ng tingin kay Sab naka tingin lang din ito sa akin. I just give her an assuring smile that I am okay.

I am checking on my wrist watch right now habang nag lalakad ako papunta sa may activity area. I still have 5 minutes. And its just enough time para maka punta duon. I was invited kasi for the opening sa activity ng mga Architecture student. Wala naman talaga akong gagawin. Gusto lang akong i-invite. Isa pa kaibigan ko din naman ang president ng organization nila.

Buti na lang pag dating ko mag sisimula pa lang yung activity.

"Hi Dan!" bati ko dun sa president ng org "Congratulation!"

"No.. Thank you Oli." Umiiling iling pa nitong sabi "this will not happened kung hindi mo ako tinulungan."

"Nag drama ka pa." naka ngiti konag sabi

"Hindi kaya. " sabi nito "You know what you should smile often lalo kang gumaganda."

"Bola." Sabi ko "Sige na mag start na yung activity ninyo."

"Sama ka sa akin dali." Saka hinila ako nito "Ikaw na yung mag gupit nung ribbon sa kabila."

Nag taka naman ako dito.

"Are you sure?"

Tumango ito.

Iginaya na niya ako sa harap and it was the start of the opening ceremony for the Architecture week.

"Do you like it?" tanong sa akin ni Dan habang nag iikot ikot kami dun sa mga naka display na miniature na gawa ng mga orgmates nita.

"Ang ganda ng mga gawa nila ah." Sabi ko dito "Asan yung sayo dito?"

Umuling ito "Wala akong gawa dito. I was too busy preparing for the event."

Tumango tango naman ako.

"Dan!" tawag sa kanya ng isa sa mga ka org ninya

Choosing YouWhere stories live. Discover now