Chapter 45 - Mine

1.9K 57 4
                                    

Draft - May 28, 2017


Chapter 45 - Mine

Trina

" What is this all about, Yanna?" diretsong tanong ko dito ng maupo ako sa harap niya. Kahit na gaano pa kadami ang pag kain na nasa harap ko ngayon ay wala akong pakialam. Gusto ko munang malaman kung bakit niya ako gustong makausap. Though, meron na akong idea kung para saan to papunta ay gusto ko pa ding sabihin niya kung para saan to. Hhindi naman ako assuming na tao kaya I want her to tell me kung para saan ba to lahat.

" It's about Sab." Diretsong sagot din nito.

Napataas naman ang kilay ko ng marinig ko iyon. Though, I am somehow expecting it. Si Sab, lang naman lagi ang dahilan kung bakit ako kinakausap ng taong to.

" Bakit hindi siya ang tinawagan mo? Bakit ako? "

"Iniiwasan niya ako" Saka ito nag baba ng tingin.

" So?" sabi ko dito " anong gagawin ko dun?"

Nag angat ito ng tingin. She look so helpless in front of me. Para bang wala na siyang ibang choice kung hindi ako.

" I need your help, Trina."

" I'm sorry." Nonchalant kong sabi dito " but, I could not help you this time."

Hindi ko na gugustuhing malaman pa kung anong klaseng tulong ang kailangan niya. Nakikita ko kung gaano na nahihirapan si Sab sa sitwasyon nila.

Sab told me what happened between them the other day. At alam kong gulong gulo ang kaibigan ko ng dahil sa babaeng nasa harap ko.

Kaya kung gugustuhin talaga niyang makabalik sa buhay ni Sab. Hindi mang gagaling sa akin ang tulong na iyon.

" Kaibigan mo siya."

" Tama, kaibigan ko siya. Kaya nga hindi kita matutulungan."

" I love her Trina." Ramdam ko ang bawat salita na lumabas sa bibig nito.

" How much do you love her?" Mapanghamon kong tanong sa babaeng nasa harap ko.

Her answer will determine kung tutulungan ko ba siya o hindi. But she didn't answer. Bagkus ay nakatingin lang ito sa akin.

" Sa tingin ko walang patutunguhan ang pag uusap na to." Saka tumayo sa kinauupuan at tumingin sa kanya " Siguro nga mahal mo siya, Yanna. But I don't think it's enough and she doesn't deserve it. She may not be perfect, but she deserves someone who will love her and stay with her."

"Are siding Xander, Trina?" may pang aakusang tanong niya sa akin.

" No," I said with a firm voice dahil yun ang totoo "but I like someone like Xander for her." Sabi ko dito " Someone who will love her regardless of all her flaws, someone who will stay beside her and someone who can fight for her. I am her friend, Yanna. I want the best for her and if hindi mo siya kayang pangatawanan at ipaglaban. Please lang, just let her go. Let her find some she needs and someone she will eventually love."

" We both know that she love me."

I smirked at what she said.

Dahil alam kong totoo ang sinabi niya. No doubt about it. but I won't let her know that I agree with her. Baka mag paka-easy siya kay Sab at hindi na mag effort ang loka. Anong akala niya kay Sab pag iniwan niya mababalikan niya agad.

" Siguro nga. But I don't really think you deserve her." I look at her straight to her eyes and said " I won't stand on your way if you really want her back." Kasi alam kong siya yung mag papasaya kay Sab kahit na siya yung dahilan kung bakit ito nasasaktan at nahihirapan ngayon. She couldn't decide kung sino ang pipillin nito dahil kino-consider niya si Xander "At kung tatanggapin ka niya ulit walang magiging problema." I told her " But I am telling you, ako ang unang unang mag lalayo kay Sab sayo kung alam kong masasaktan lang siya. And I promise you hinding hindi ka na makakalapit pa ulit sa kanya."

Choosing YouWhere stories live. Discover now