Chapter 43 - I Stop Choosing You

2K 71 20
                                    

Draft - May 27, 2017


Chapter 43 - I stop choosing you

Sab

"Alam mo Sab para kang baliw! "sabi ni Trina habang palakad lakad ako sa harap niya habang siya ay komportableng naka upo sa may bar counter at nilalantakan ang isang chocolate cake.

"Pwede ba kumain ka na lang dyan? " inis kong sabi. Mula kagabi hindi na ako mapakali dahil sa ngyari between me and Yanna.

Hindi ako mapakali kasi imbis na itulak ko siya ay nagustuhan ko pa iyon at tumugon pa ako sa mga halik niya.

At nababaliw na ako ngayon kakaisip kung bakit ko ginawa iyon!

"Alam mo hindi makakatulong kung panay lakad ka dyan. Mas mabuti kung pupuntahan mo siya at mag usap kayo. " rinig kong sabi ni Trina.

" Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? "

" Na mahal mo pa siya. " napatigil ako at tumingin sa kanya "sabihin mo yung totoo, Sab. Aminin mo ang totoo sa kanya dahil sarili mo lang ang sasaktan mo kung hindi mo yun gagawin. Hindi ka pa din ba natuto sa ilang taon? You tried to move on pero wala pa din. Mahal mo pa din siya."

What she said is true.. Pinilit kong makapag move on pero hindi ko nagawa... Dahil kahit pinag tulakan ko siya palayo siya pa din ang nag mamay ari ng puso ko.

And that hit me but Xander's face flashed right in front of me.

Ayoko siyang masaktan.. Siya lang yung taong nag tyaga sa akin at hindi ako iniwan kahit anong tulak ko sa kanya palayo.

"pero.... "

"Paano si Xander? " she cut me off as if she read my mind

" Sa tingin mo ba he doesn't have a clue? Ilang taon siyang nasa tabi mo pero hindi mo siya magawang sagutin. The fact that you used to love him. " tumayo ito sa kinauupuan nito at tumingin sa akin "Wag mo ng patagalin, Sab. You need to choose between them at pareho nating alam kung sino ang dapat piliin. " saka tumalikod ito at nag lakad papuntang kusina.

Ano ba ang dapat? Sino ba ang dapat piliin?

I am on my deep thoughts ng biglang bumukas ang pinto. Revealing the newly couple.

" Good Morning Sab! " masaya at masiglang bati sa akin ni Jillian. Kitang kita sa mga mata nito ang saya. Her smile is too genuine. It's the same smile i see before. And i can't blame Oli for the choice she made. Kung magiging ganito si Jillian siguro ganun din ang gagawi ko.

"Bat ang aga mo dito? " tanong sa akin ni Oli.

"Seriously, Oli?! Wala man lang bang 'good morning my ever so beautiful best friend.' muna? "

Tumawa naman si Jill sa sinabi ko. Pero ang best friend ko ay sinamaan lang ako ng tingin.

" Hay naku Sab.. " habang lumapit si Jill sa akin at inakbayan ako. "Kung ako sayo hindi ko aasarin tong best friend mo" bumulong ito sa akin sabay sabing " meron siya. "

At dahil sa sinabi ni Jill ay natawa ako.

It makes sense kung bakit ganito ang itsura nito na akala mo eh pinag bagsakan ng langit at lupa.

"ouch! " hindi ko mapigilang masabi ng biglang may tumama sa akin ang isang bottled water. At kita ko kung gaano ka sama ang aura ng best friend ko habang naka tingin sa akin.

"Bahala kayong dalawa dyan! " inis nitong sabi sabay lakad papunta sa office.

"I told you." sabi ni Jill saka ngumiti sabay tumalikod para sundan ang gf niyang naging sadista.

Choosing YouWhere stories live. Discover now