Chapter 54 - It's only her

2.4K 67 27
                                    

Draft - Hun 01, 2017


Chapter 54

Trina

"Don't be too hard on her, Trina." That was best friend Jillian habang naka tutok lang ang mga mata sa laptop niya na akala mo wala ako dito.

" I am not hard on her, Ms. Salvador." Sagot ko dito "Hindi ko lang maintindihan sa kanya kung bakit hindi siya nag pupunta sa office at nag kukulong mag hapon sa unit niya. Aba, pati si Tita at si Zander nag aalala na sa kanya dahil hindi nga siya lumalabas. Mas apektado pa siya sa break up ninyo."

"Ang bitter mo." Komento nito " Parang kayo yung nag break."

Saka nag angat ito ng tingin at ngumiti. Pero kahit iplaster niya yang ngiti niya ay hindi ako maniniwala sa ngiti niyang iyon. I know, beyond that smile she hid the pain and sadness. But knowing Jillian, hindi niya iyon sasabihin at ipipilit itong itago.

I was mad, of course I am mad at Oli when I heard the news. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. She is the least person that I expect to do that. Kaya hindi ako nakapag pigil, I rushed myself to her unit para awayin siya at kung ano ano pang bagay ang gawin sa kanya. But when I saw her state, biglang nawala lahat ng galit ko sa kanya.

My hearts soften when I saw her.

I never see her that way before.

She's broke too.

She even looks worse than before.

Kaya imbis na magalit ako sa kanya, I just listen to her explanation. And hearing everything made me understand her.

Understandably, she's confused.

I couldn't blame her.

Ilang taon ba niyang pinilit mag move on kay EJ. All these years, pinaniwala niya ang sarili niya na okay siya at tama ang desisyon niya. All these years, wala siyang bang pinakinggan. But when EJ came back, lahat ng akala niya isang pag kakamali. When she heard EJ's explanation na bago lahat ng paniniwala niya.

She love EJ, there is no doubt about that but....

My thoughts were cut off ng biglang pumasok ang secretary ni Jillian na si Hannah.

"Ms. Jillian, Mr. Francis from Vixen Consulting Agency is already here." Bigla akong napa angat ng tingin sa may pinto saka bumaling ng tingin kay Jill.

"Let him, in." sabi nito

"Is she talking about the person that I know?"

Tumango naman ito bilang tugon. Kasabay nito ang pag bukas ng pinto, revealing the guy that I just asked about.

Nung una ay hindi ko na iintindihan kung ano ang pinag uusapan nila. But eventually, I able to understand it.

Francis used their company para ipitin ang pamilya nila Yanna kaya nalubog sa utang ang mga ito. At dahil duon ay napilitang pumasok ang mga magulang ni Yanna sa isang kasunduan na ipapakasal nila si Yanna kay Francis.

Now, it perfectly makes sense why Yanna left the country and return back with him. And why she can't choose Sab even she wants too.

Though Jillian somehow went overboard while talking to Francis, I know she's doing it for a good reason.

Hindi ko na lang alam kung hindi pa matakot tong si Francis sa pinag sasabi ni Jillian sa kanya. I am not sure kung magagawa bang lahat iyon ni Jillian. Pero isa lang ang sigurado ko, she will do everything on her power just to make sure our dear friend, Sab, will be happy.

Choosing YouWhere stories live. Discover now